Chapter 28

1.1K 55 52
                                    

I would like to dedicate this chapter to Ms. Andrea Almonte almonteandrea. Thank you so much for the encouragement and for the follow. It's an honor to be followed by a well-known author of my generation.
-------

Habang naghahapunan ay hindi mapuknat-puknat kay Tasia ang kanyang titig na busy naman sa pag-a-asikaso sa kanilang anak.

"Ang tagal niyong lumabas ng kwarto, Bud. Hindi ka pa rin nagsasawang titigan ang kapatid ko?" Inirapan niya ang katabing kaibigan.

"Nakikikain ka na nga lang, umeepal ka pa!" Asik niya rito.

"Bebe loves, subuan mo ako..." Sabay silang napabaling ni Lloyd kay Sam at sabay na napangiwi. Bakante naman ang upuan na nasa tabi ni Emmanuel pero mas pinili nitong maupo sa hita ng kapatid.

"Umupo ka nga ng maayos! Hindi ka na nahiya sa pamilya ko!" Asik ng kapatid niya rito. Parang wala lang naman dito ang sinabi ng huli. Ngumiti pa ito ng matamis at binalingan ang kanyang mga magulang.

"Momma loves, dada loves... Ang sweet ko nga kay Emmanuel ko, hindi po ba? Ang arte, para naman pong hindi ako natikman." Biglang napatayo ang kapatid niya. Malakas siyang tumawa nang bumagsak si Sam sa sahig. Pero agad naman niyang itinikom ang bibig nang napatingin siya kay Tasia. Pinanlakihan kasi siya nito ng mga mata.

Inalalayan naman itong tumayo ng kanyang Daddy. Bigla kasing umalis si Emmanuel.

"Are you okay, iha?" Tanong ng ina niya rito.

"Nakaya ko nga po ang sakit nang iniwan niya ako ng walang abiso sa loob ng limang taon, Momma loves," Hinaplos nito ang nasaktang pang-upo bago muling nagsalita. "Kung ako ay sa sahig bumagsak, sisiguraduhin ko po na sa akin ang bagsak ni Emmanuel."

"Akin ka na lang. Hindi kita sasaktan, hindi rin kita mamahalin. Sakto lang." Ani Lloyd na nakangisi. May sira nga talaga ang tuktok nito.

"He will regret what he did."  Tumingin siya sa kanyang kuya.

"Marunong ka na ulit magsalita, Kuya?!" Simula kasi nang umuwi ito aa kanilang mansiyon ay bihira ba nila itong nakakausap. Sa tuwing sinusubukan naman nila itong kulitin ni Emmanuel ay isang matalim na tingin lang ang nagiging tugod nito sa kanila.

"Ayaw lang kitang kausap, pero may bibig pa rin ako para magsalita." Masungit nitong turan.

"Nireregla ka na naman kuya."

"Tigilan mo nga si Kuya Anthony, Pio!" Asik sa kanya ni Tasia. Napalabi na na lamang siya.

Pagkatapos nilang maghapunan ay dumiretso silang lahat sa sala maliban sa Kuya Anthony niya na mas piniling mapag-isa sa garden at kay Samantha na nagpaalam na puntahan si Emmanuel sa kwarto nito.

"So, Lloyd... Baka p'wede mo namang kaming balitaan tungkol sa kakambal ni Niño?" Panimula ng kanyang Ina nang pare-pareho na silang nakaupo.

Napagitnaan nila ni Niño si Tasia, nasa kanang bahagi ito at siya ang nasa kaliwa. He put his hands around Tasia's waist. Wala naman siyang narinig na complain mula rito. Bahagya siyang umuklo at hinalikan ang expose nitong batok dahil sa nakapusod na buhok. Napapitlag naman si Tasia sa kanyang ginawa.

"Pio nga!" Tiningnan siya nito ng masama. Kunwari pa ito, gusto naman na nilalambing niya.

"Kung sana hindi ka naging pabebe, edi,ganito na tayo dati pa." Bulong niya rito na sinalubong ang mga mata nito.

"Ako talaga ang pabebe? Layasan kaya kita?" Asik nito.

Mabilis niya itong dinampian ng halik sa labi. "I love you, babe..."

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon