Chapter 24

1.1K 59 35
                                        

Alam ni Pio na nasaktan niya si Tasia, lalo na ang anak nila. Hindi lang niya napigilan ang sarili na sigawan si Niño nang makita niya na nagpipigil si Jewel ba umiyak. Pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama at napatitig sa kisame ng kanyang kwarto. Gawa ito sa salamin na kung iyong titingnan ay isa lamang ordinaryong salamin na makikita sa mga hotels or motels.

Bumangon siya at kinuha ang isang maliit na remote sa loob ng drawer ng kanyang lamiseta. Muli siyang bumalik sa pagkakahiga at pinindot ang remote na naka-konekta sa ceiling ng kanyang silid. Lumitaw ang isang painting na nakapaloob sa salamin na kisame. It was her. Tasia. Mula ito sa litrato na kinuha niya ng patago noong nasa Los Angeles pa silang pareho at nag-aaral.

"Nakakainis ka na rin minsan self. Dahil sa'yo ay nasaktan mo si Niño at ang babaeng ngayon ay tinititigan mo ang painting na pinakatago-tago mo. Ano ang gagawin mo kapag umalis si Tasia at ang anak mo para doon na tumira sa bestfriend mo?!" Sermon niya sa sarili. Naiirita na rin siya kay Lloyd. And dami-dami ng tinatago nito sa kanya. Expected naman na niyang may relasyon ito kay Angie pero hindi niya akalain na nagawa ng dalawa itago sa kanya kung ano mang mayroon ang mga ito. Kahit si Jewel na napakadaldal ay walang nabanggit sa kanya na. Kung sabagat, Rafael ang tawag nito sa kanyang kaibigan. Palagian man niyang nababanggit si Lloyd Kay Angie, hindi niya alam kung kilalaw nito ang kanyang best friend as Lloyd.

Ilang minuto pa ang kanyang pinalipas bago naiisipang bumangon. Maybe it's time to put the things between him and Tasia into the right place. Hindi naman nakaka-apekto sa pagiging lalaki niya ang babaan ang pride. Kailangan na niyang ipilit kay Tasia na may pananagutan ito sa kanya. He can't wait anymore. Gagalaw na siya kahit sinabi ni Tasia na kailangan muna nilang unahin ang paghahanap sa kanilang nawawalang anak. Puwede naman nila itong hanapin habang nanliligaw ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niya munang kausapin si Niño, baka tuluyan na itong lumayo sa kanya. Bilang ama na nagpalaki rito, hindi niya kakayanin kapag nangyari iyon. Pero bago pa niya mabuksan ang pintuan ng kanyang kuwarto ay bumukas na ito at iniluwa nito ang hindi maipintang mukha ni Tasia. Mabilis niyang tinakbo ang remote ng ceiling. Baka kapag nakita ito ni Tasia ay lumaki pa ulo. Akalain pa nitong patay na patay siya rito.

"W-why are you here?" Kinakabahang tanong niya rito.

"Gusto kitang makausap tungkol kay Niño. Kanina pa ako nanggigigil sa'yo Pio. Nahiya lang ako kay Angie. Wala kung karapatang sigawan ang anak ko! Oo, mali ang ugaling pinakita nito kay Jewel pero sana kinausap mo na lang ng maayos si Niño!" Asik nito sa kanya.

"I'm sorry. Naaawa lang kasi ako kay Jewel. Paano kung ginaganun din ang anak natin?" Aniya.

"Nandoon na ako. Pero ang punto ko rito ay hindi mo dapat sinigawan ang anak ko!" Nanlalaki ang singkit nitong mga mata na lalong nagpaganda rito.

He rolled his eyes. "I'll talk to my son."

"Dapat lang! Sigawan mo pa siya ng isang beses, mawawala 'yang kabaklaan mo!"

Doon tumaas ang kaliwa niyang kilay. Does he heard Tasia's right? Iniisip talaga nitong bakla siya? Pero alam niya naman na paraan lang iyon ni Tasia para makuha ang atensiyon niya.

"Talaga lang, Tasia, bakla ako? Sinasabi mo lang yata 'yan dahil 'yan ang nabasa mo sa libro. Pero cliché na 'yon. Hindi kita hahalikan, para ano? Hindi orininality ako. Ikaw dapat ang unang hahalik sa akin. Aba! May dignidad ako bilang isang lalaki."

Pakiramdam ni Pio ay natanggal ang ulo niya at tumilapon kung saan dahil sa malakas na sampal ni Tasia.

"Isang sampal para magising ka sa katotohanang ako ang babae rito! Gago!"

"Kung makasampal parang hindi nasarapan, a?" Hinaplos niya ang pisnging sinampal nito. Sigurado siyang bakat dito ang mga palad nitong lumapat.

"Parang gusto mo pa yata ng isa? Sa kabila naman para pantay." Lumapit pa itong lalo sa kanya at itinaas ang kamay para muli siyang sampalin ngunit mapilis siyang napaatras.

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon