Pagkalabas ni Pio sa kwarto ni Tasia ay agad siyang dumeritso sa kanyang kwarto at may tinawagan.
"Kumusta ang pinagagawa ko sa'yo?" Pambungad na tanong niya rito.
"May pumuntang Abogado rito,Boss. Mabuti na lamang at naunahan ko tulad nang iniutos niyo sa akin." Sagot ng nasa kabilang linya.
"At ang pinamanmanan ko?" Muli niyang tanong rito.
"Dumating ang anak niya galing America. Parang may masama na namang balak." Napatiim-bagang siya sa narinig.
"Sige, patuloy mo lang silang bantayan."
"Sige po."
He was about to hang up when he heard a familiar name.
"Mabuti naman at napadalaw ka, Carlotta, anak..."
"Sino ang dumating, Arturo?"
"Ang anak ng asawa ko, Boss."
Napangisi siya sa narinig. Tuluyan niya nang tinapos ang tawag. Si Arturo ang taong pinagkatiwalaan niya at nagbibigay impormasyon tungkol kay Tasia. Ito ang kanang kamay ng tatay ng huli kaya malaki ang tiwala niya rito.
His phone rang. He rolled his eyes nang makita kung sino ang kanyang caller.
"Any news?" Aniya rito.
"How's my son?" Tanong nito sa kabilang linya.
"He's doing fine." Maiksi niyang sagot.
"Hindi ba niya ako hinahanap?"
"Nasaan ang isip mo? Ako ang kinikilalang ama ng anak mo, pinapaalala ko lang." Tumawa naman ito. "Kumusta ang pinapahanap ko?"
"Limang taon, pero wala pa rin akong clue sa kumuha sa anak mo." Seryoso nitong tugon.
"Tinanggap ko na maging ama ng anak mo para lang mahanap ang sarili kong anak, Lloyd. Kaya nakiki-usap ako, gamitin mo lahat ng koneksiyon mo mahanap lang ang anak ko." Pakiusap niya sa kaibigan.
"I'll do every thing. For now, akuin mo muna ang pagiging ama ni Niño. Babalikan ko siya kapag maayos na ang lahat."
"Thank you for helping me, Bud. Anyway, I have something to tell you."
"What is it?"
"Naghahanap ng ina ang anak mo. Bakit hindi mo na lang ibigay sa kanya si Niño kung ayaw mo naman siyang alagaan?"
"Pagod ka na sa anak ko?" Lloyd asked.
"No, I love Niño. Pero karapatan nitong makapiling ang ina." Kitang-kita niya kasi kung gaano kagustong magka-ina ni Niño.
"Hindi ba at may Tasia namang puwede niyang maging ina?"
"Paano mo nalaman?!" Gulat niyang tanong. Hindi niya alam kung saang lulalop ito. Tumatawag lang ito para kumustahin ang anak at para i-update siya sa pinapagawa niya rito.
"I'm not Lloyd Dimafeliz for nothing, Bud."
-----
"Lloyd..." Tawag pansin niya sa nakatalikod na lalaki.
Lumingon ito at ngumisi. "Have a seat."
Lumapit naman siya rito at umupo sa harap nito.
"How are you?"
"Anong balita?"
Sabay nilang sambit.
"Nahanap mo na ba?" Muli niyang tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/187034002-288-k235328.jpg)
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...