Chapter 38

921 52 17
                                    

Nanlulumong napasalampak na lamang si Pio kung saan siya iniwan ng kanyang mag-ina. Parang gusto niyag pagsisihan na nasabi niya rito ang tungkol kay Jewel. Hindi pa naman siya sigurado na dugo't laman nga niya ito. At iyon ang gusto niyang malaman kaya nakipaglaro siya kay Angie nitong mga nakaraang araw. Hindi naman siya tanga para paniwalaan ang mga sinasabi nito. Gusto niya sana muna ng matibay na ibedinsiya na nagpapatunay na hindi niya kadugo si Jewel bago ito sabihin kay Tasia.

Napasabunot siya sa kanyang buhok. May posibilidad ba hindi na babalik ang mag-iina niya rito. His tears fell because of that thought.

"What happened, Kuya?"

Napaangat siya ng ulo nang maulinigan ang boses ng kapatid na si Emmanuel. Tila naman nagulantang ito nang makita ang buo niyang mukha.

"Para kang iniwan ni Aranque sa lagay mo na 'yan," wika nitong muli.

Muli siyang tumungo at hindi ito binigyan ng pansin ngunit makulit ang kapatid niyang ito at mas madaldal pa sa kanya.

"Oh my gosh! Iniwan ka nga talaga?!" Eksaheradong sigaw nito.

Iniwan... Isang salita pero ang katumbas ay napakalaking dagok sa buhay ng isang tao. Tumayo siya at lulugo-lugong pumasok sa mansiyon. Sumunod naman sa kanya ang kapatid.

"Leave me alone, Emmanuel!" asik niya rito nang tumabi ito ng upo sa kanya.

"Susuko ka na lang basta, Kuya? Akala ko ba mahalaga sa'yo ang virginity mo? Malapit na, o! Kunting push na lang kay Aranque at magpopropose na rin sa'yo 'yon."

"P-paano kung ayaw na niya sa akin? Kung hindi na niya ako mamahalin pang muli at ilalayo ng tuluyan ang mga anak namin? Hindi ko kakayanin 'yon," tila kay bigat ng bagay na nakadagan sa kanyang dibdib. Napahikbi siya. Wala pang isang oras nang umalis si Tasia pero hirap na hirap na siya. Paano pa kung hindi na babalik pa ang mga ito?

"So, susuko ka nga?!" singhal sa kanya ng kapatid. "Bata pa lang tayo ay naging anino ka na ni Aranque, Kuya! Ngayon ka pa ba susuko kung kailan malapit na mabuo ang pamilya mo?"

"H-Help me find the t-truth, Em..." gumaralgal ang boses na pakiusap niya sa kapatid.

"Katotohanan? Ang totoo kuya ay tanging ang kambal lang ang anak mo, wala nang iba pa! Don't let Angie ruin your relationship with Lloyd and Tasia. Hindi ka dapat nagpapadala sa mga salita niya!"

"Paano mo nalaman?!" namamangha niyang tanong sa kapatid.

"I heard everything. Huwag mo nang itanong kung bakit dahil nakita mo naman siguro na nasa loob lang ako ng mansiyon ng araw na kung anu-ano ang pinagsasabi sa'yo ng babaeng tinuring mong best friend pero mayroon palang pagnanasa sa'yo."

Tumango na lamang siya dahil alam niya ang trabaho nito na lingid sa mga magulang nila.

"Paano mo ipapaliwanag ang tungkol sa DNA result?" Aniya na pinahid ang mga luhang pumatak sa kanyang pisngi.

"Simple lang. DNA ng totoong tatay ni Jewel ang ginamit ni Angie para mas kapani-paniwala," Umiiling na wika ng kanyang kapatid niya.

"Pero bakit ito ginagawa ni Angie? Dahil ba naipakulong ang Tatay niya sa kasalanang ginawa nito?!" sigaw niya.

Tumayo naman ang kapatid niya at hinarap siya na nanlilisik ang mga mata.

"Bakit ako ang sinisigawan mo, Kuya? Ako ba si Angie, ako?!"

Tumayo siya at malakas na sinampal ito.

"Huwag kang maarte diyan, Emmanuel! Ako itong namumroblema pero ikaw itong mag-iinarte?! Huwag mo akong agawan ng spotlight na vakla ka!"

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon