Chapter 21

1K 60 27
                                    

"Paanong si Atty? Dad trusted him! " Napatigil si Pio sa muli sanang pagpasok ng opisina ng Tita niya ng malakas na tinig ni Tasia ang  sumalubong sa kanya. Iniwan niya muna ang anak na nakikipaglaro sa anak ni Atty. Wena Labrague para balikan si Tasia  dahil nag-a-alala siya rito.

"Nagtiwala si Daddy sa maling tao, Anastasia. Tulad ng pagtitiwala mo sa babaeng tinatawag mo pang 'Nay Esme."  Alam ni Pio ang tungkol kay Esme, dahil ang asawa nito na si Arturo ay kanyang tauhan.

"Ano'ng kinalaman ni 'Nay Esme sa pangyayari na ito?"  Malamig na tanong ni  Tasia kay Lloyd.  Hindi na  nakatiis si Pio at lumapit sa mga ito.

"Tell her every thing, Lloyd." Aniya sa kaibigan.

" Nanay ni Carlotta si Esmeralda. At siya ang nakasaksi kung sino ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang natin."

Tasia tightened her jaw. Alam ni Pio na galit na nararamdaman nito.

"She's your mom? I thought your mom was Doctor Esperanza? "  Madiin ang bawat salitang ibinanggit ni Tasia.

"S-she's my biological Mom. Kapatid niya si Mommy Estrella." Nakayukong tugon rito ni Carlotta.

"Every thing on you was a lie? Tinuring kitang kapatid, Carlotta. Pero bakit mo nagawa ang lahat ng ito?!" Hiyaw ni Tasia sa huli. Patuloy lang naman ito sa pagyuko at patuloy sa pagpahid ng pisnging luhaan.

"You're a big liar, bitch!" Susugurin na sana ito ni Tasia ngunit naagapan ito ni Pio. Niyakap niya ito mula sa likod. Hindi niya ito hinayaang makawala kahit malakas itong pumipiglas.

"Let me go, Pio! I will wring her not so pretty neck!"

"We can use her to satisfy about his father."  Pio whispered at Tasia's ear.

"Bitiwan mo ako sabi!" Hindi niya napaghandaan ang ginawa nito. Kung wala lang si Lloyd ay bakaw tuluyan na siyang nawalan ng malay sa ginawa nitong pag headbutt sa kanya.

"She's not a fragile like I've thought." Nakangising wika ni Lloyd pagkatapos siya nitong  inalalayan paupo sa sofa.

"Kung makangisi ka, akala mo absuwelto ka na sa ginawa mong paglilihim?" Mabilis na na wala ang ngisi nito. Napalitan ito ng pag-a-alala.

"Palagay mo matatanggap niya ako?"

"Kung ako nga hindi kita kayang tanggapin bilang brother-in-law, si Tasia pa kaya na lumaking walang kapatid?" Malakas itong tumawa.

"Huwag kang mag-alala, Bud, dahil kapag natanggap ako ni Tasia as her older brother, hindi rin kita tanggap as my brother-in-law."  Sinamaan niya ito ng tingin. Nang hindi ito tumigil sa kakatawa ay sinabunotan niya ito.

"Huwag mo akong inaasar, Lloyd! May kasalanan ka pa sa aking  Vakla ka!"

Tawa pa rin ito ng tawa nang biglang natigilan. Sinundan niya ang direksiyon kung saan ito tumitingin.

"We are doomed... " Anas nito.

"Huwag mo akong idamay!" Inirapan niya ito at umayos ng upo. "Ang ingay mo kasi!" Sisi pa niya sa kaibigan.

"Bakit ako? Ikaw itong nanabunot!"

"Umalis ka na sa harapan ko, Carlotta! Baka hindi ko mapigil ang sarili ko at mapatay na kita kasama nila!" Asik ni Tasia kay Carlotta.

"Aba, teka lang! Ganun na lang 'yon, Anastasia?"  Sabat ni Lloyd dito pero sinamaan lang ito ng tingin ni Tasia. Napatakip naman siya ng bibig upang pigilan ang sariling magsalita.

"Please... Walang kinalaman si Nanay Esme sa mga pangyayari na ito, huwag niyo sana siyang idamay. She was forced not to tell you the truth, Hope. It was all because of me kaya nagawa niya 'yon. My Dad threatened her na kung magsusumbong siya ay hindi na niya ako makikita. You're a mother also, Hope, I know maiintindihan mo si Nanay."  Lumuluhang wika ni Carlotta. Napataas naman ng kilay si Pio at hindi na niya napigil ang sarili na hindi umimik.

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon