Chapter 36

1.2K 57 41
                                        

Nakasakay na sila sa kotse ni Emman na siyang sumundo sa kanilang dalawa ni Pio sa airport. Tumawag kasi ang ninang niya at pinapabalik na agad sila nito ng Maynila dahil kinakailangan ng mga itong puntahan ang panganay na si Anthony na nasa LA Union. Hindi niya alam ang buong detalye, ang alam lang niya ay hindi raw ito lumalabas ng kwarto nito at dalawang araw na raw na hindi kumakain.

Natitig siya kay Pio na nakaupo sa unahang bahagi ng sasakyan ni Emman. She heaved a sigh. Kagabi pa siya nito hindi pinapansin dahil sa birong proposal niya rito. Alam naman niya na kasalanan niya kung bakit Hindi siya nito kinikibo. Napapikit siya ng maalala ang nangyari kagabi...

"Tama ba ang narinig ko, Babe? P-pakakasalan mo na talaga ako," Bumangon ito at diretso siyang tiningnan.

Imbes na sagutin ito ay bumangon na rin siya at umalis ng kama para hanapin ang damit na itinapon nito.

"Sinabi ko lang 'yun para matigil ka." Isinuot niya ang napulot na damit sa paanan ng kama. Hindi na niya inabala pa ang sarili na hanapin pa ang kanyang bra.

"Binibiro mo lang ako kung ganun?!" asik nito sa kanya.

Tumaas naman ang kanyang kilay sa inasta nito.

"Kasalanan ko ba kung nawalan ako ng gana dahil sa kadldalan mo?!" asik na rin niya dito. Hindi na ito kumibo at inihiga na lamang ang sarili sa kama. Lumapit na rin siya rito at nahiga sa tabi nito. Nakatulog silang parehong nakatalikod sa isa't isa.

"Bakit ang tahimik niyo naman yatang dalawa?" untag ni Emmanuel habang nagmamaneho.

"Shut up and drive!" Paasik na wika rito ni Pio.

Binalingan naman nito ang kapatid at ngumisi. "Parang nabitin ka sa pagsusungit mo diyan, Kuya," anito pa.

Hindi niya napigil ang sarili na hindi tumawa. Ngunit isang masamang titig ang sumalubong sa kanya.

"Tuwang-tuwa ka pa talaga diyan?" malamig ang tinig na baling sa kanya ni Pio.

Emmanuel chuckled. "So, bitin nga talaga siya, Aranque?"

Kinagat niya ang labi para pigilan ang tawa. Ayaw na niyang dagdagan pa ang inis sa kanya ni Pio.

"Tatahimik ka o gusto mong lumipad palabas ng sasakyang ito?!" sigaw na ni Pio kay Emmanuel.

"Wow! Ginaganyan mo na ako ngayon, Kuya? Samantalang kinakampihan kita noong elementary tayo kapag may mam-bully sa'yo kasi nga babakla-bakla ka?" napahiyaw ito nang kurutin ni Pio sa tagiliran.

"Hindi ka titigil?!" asik pa ni Pio sa kapatid. Nginisihan lang naman ito ng huli. "Fine."

Akala niya ay hahayaan na lamang ni Pio ang kapatid ngunit napansin na lang niya na may tinawagan.

"Hey,Mom! I have something to tell you, it's about Emman—"

Hindi na natapos ni Pio ang sasabihin sa Ina dahil bigla na lamang inagaw ni Emmanuel ang cellphone na hawak nito.

"Give that back to me, Emmanuel!" hiyaw ni Pio na sinubukan bawiin ang cellphone dito.

Napakapit siya sa sandalan ng inuupuan ni Pio nang biglang gumiwang ang sasakyan.

"Hindi kayo titigil?! Kung gusto niyong magpakamatay, ihatid niyo na muna ako sa mga anak ko!" ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib ng muli itong gumiwang. "Ano ba!"

Tumigil naman ang dalawa pero parehong masamang tingin ang ibinato sa isa't isa.

"May araw ka rin sa aking vakla ka!" wika ni Pio sa kapatid sinabayan nito irap.

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon