Chapter 6

1.4K 75 13
                                    

Habang nasa biyahe pauwi sa mansiyon ng mga Benedicto ay hindi mawaglit sa isipan ni Tasia ang natanggap na mensahe mula sa taong tumawag. Para sa kanya ay hindi iyon pagbabanta kundi isa lamang na babala. Pero sino kaya iyon? Hindi pamilyar sa kanya ang boses ng babaeng iyon.

"Nandito na tayo, Tasia." Nagulat pa siya nang magsalita ang kanyang ninang.

She smiled. She's about to open the car's door nang pinigilan siya nito.

"Sandali lamang. Kanina ko pa kasi napapansin ang pagiging balisa mo. Hindi ka rin kumikibo, Iha. May bumabagabag ba sa iyo?"

Umiling siya. "Wala po,Ninang."

"Alam mong handa kaming tumulong ng ninong mo sa iyo,Tasia. Huwag kang mag-atubiling ikunsulta kung ano man 'yang nasa isipan mo na hindi mo masolusyunan."

She heaved a sigh. Hindi niya alam kung nararapat ba na ipagtapat niya rito ang dahilan kung bakit ninais niyang tanggapin ang alok ng mga ito na pumarito siya sa Maynila at manuluyan sa pamilya ng mga ito. She doesn't want to be a burden. Hindi niya gugustuhing problemahin din ng mga ito ang kanyang pinuproblema. Sa ngayon ay kailangan niya ng pundasyon upang tumatag at mabalikan ang mga taong naging dahilan ng kanyang pagiging ulila. So,she chose not to tell her yet.

"Medyo kinakabahan lamang po ako para bukas, Ninang. I don't want to disappoint you nor ninong if I will fail with my task as a Marketing Communications Manager." Nabanggit kasi kanina ng kanyang ninong bago sila umalis sa opinsina nito ang posisyon na ibibigay nito sa kanya. Wala pa siyang experience sa langaran na ito kaya medyo nababahala rin siya.

"Matalino ka,Tasia, you know how to communicate with people around you. Hindi ka dapat nawawalan ng tiwala sa iyong sarili. If you want to succeed, you must believe in yourself."

"Thank you for the encouragement, Ninang."

"Sa susunod, kausapin mo ako kung may problema ka para masolusyonan agad. O, siya, bumaba na tayo." Tumango siya at tumalima.

"Sa kwarto lang po ako, Ninang." Aniya pagkapasok nila ng masiyon.

"Sige, Iha. Ako rin naman ay magpapahinga sa aking silid. Nakakapagod ang makipag-usap sa mga lalake ko." Mahina siyang tumawa. Hinalikan niya ito sa pisngi bago umakyat sa kanyang silid. Humahanga siya sa takbo ng relasyon ng kanyang ninang sa mag-a-ama nito. Mararamdaman din kaya niya ang nararamdaman nito kung may anak sila ni Pio? Kinurap-kurap niya ang mga mata. May mga pangyayari sa kanyang buhay na kinakailangan niyang ibaon na lamang sa kanyang puso upang maka-usad. Sabi nga ng iba, 'past is past'. Ngunit imposible naman na makakalimutan natin ang mga pangyayari sa ating buhay lalo na kung ang bagay na ito ay napakasakit. Ang kailangan lamang gawin ay ang gawin itong inspirasyon upang mas mapabuti ang ating kinabukasan. Pero sa parte ni Tasia, ito ang naging dahilan kung bakit mas pinili niyang maging makasarili at hindi inisip ang posibleng mangyayari. Kung hindi pa yumao ang mga magulang ay hindi siya magigising sa katotohan na naging pabaya siya.

Nagpalit lamang siya ng cotton shorts at nahiga sa kanyang kama. Inabot niya ang paborito niyang libro na isinulat ni Martha Cecilia sa ibabaw ng lamesita. Bata pa lamang siya ay kilala na niya ito. Isa ito sa mga local authors na hinahangaan niya. Napakagaling naman kasi nitong magsulat, bawat salitang ginagamit sa mga akda nito ay polido at walang tapon. Hindi na niya namalayang nakatulagan na pala niya ang pagbabasa. At sa kanyang pagpikit ng mga mata ay ang pagdalaw ng isang pangyayari na nag-uugnay sa kanyang nakaraan na pilit niyang kinakalimutan.

"Mommy Hope..." Napangiti si Tasia nang makita ang batang babae na nakatitig sa kanya na may lungkot sa mga mata. Akma niya sana itong abutin ng bigla itong naglaho.

"I'm here, Mom... " Nilingon niya ang pinanggalingan ng maliit na boses na iyon. Ngunit laking pagtataka niya na isang batang lalake ang kanyang nakita. Nilapitan niya ito. Pakiramdam niya ay nahihilo siya dahil paiba-iba ang kasarian ng bata.

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon