Akala ni Pio ay mabubuking na sila dahil sa biglang pagdating ng mga magulang kahapon. Mabuti na lamang at biglang napatigil sa pag-iyak si Tasia at pasimple nitong pinahid ang mga luha.
"Bakit hindi mo na lang isabay si Tasia, anak? Hindi makakapasok ang Daddy mo dahil sobrang pagod." Usually kasi ay sa Daddy niya nakikisabay ai Tasia, minsan naman ay kay Emmanuel.
"Nasaan ba si Emmanuel?" Sinulyapan niya si Tasia na hindi umiimik. Lihim siyang ngumisi. "Bihisan mo si Niño. Isasama natin siya sa opisina."
"Ako na bahala sa apo ko. Umalis na kayo." Utos ng Mommy niya. Hindi na niya ito kinontra pa. Humalik siya rito at sinenyasan si Tasia na sumunod sa kanya.
Wala silang imikan ni Tasia habang binabaybay ang daan patungo sa kanilang kompanya. Maya-maya ay Hindi na siya makatiis na hindi ito kausapin.
"What's your plan?" He asked.
Malungkot na binalingan siya nito. "Hindi ko alam... Ilang taon kong sinubukang hanapin ang anak ko pero walang nangyari. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Anak ko rin siya, Tasia. Alam kong hindi pa sapat ang nagawa ko para mahanap lang siya."
"Pinapahanap mo siya?!" Gulat nitong tanong. Napailing siya sa reaksiyon nito.
"Sa palagay mo ba ay hahayaan ko na lang na mawala ang anak ko? Siya ang binhi ng unang patak at unang tibok ng pagkalalake ko. Hindi ko hahayaan na mapunta lang ito sa wala." Hindi ito nag-kumento sa kanyang sinabi. He give Tasia a single glance. Her mounth was opened wide. "What happened?"Nagtataka niyang tanong rito.
"Seriously, Pio?" Ang kaninang lungkot na nababanaag sa kanyang mga mata ay napalitan ng pagka-inis. "Hindi ko alam kung seryoso ka sa paghahanap sa anak ko O dahil nanghihinayang ka lang sa nawala sa'yo. Paulit-ulit na lang tayo!"
"Sinasabi ko lang ang totoo. Masama na ba ngayon ang sabihin kung ano ang katotohanan at kung ano ang nararamdaman ng isang tao?"
"Mag-seryoso ka naman kasi, Pio! Puro na lang kalokohan ang mga salitang lumalabas sa bibig mo." Inis nitong wika. Napairap naman siya rito.
"Kailan ba kita hindi sineryoso?"
"Huwag mo akong kausapin." Napalabi siya. Ang arte nitong si Tasia. Ang sarap isako tapos gawing bola at i-shoot sa basketball ring. O, hindi kaya ay dalhin sa isla at iligaw. Iwan na lang niya kung mag-iinarte pa ito. Mabuti sana kung hindi pader ang hinaharap, baka bagay pang umarte.
"Sigurado ka na ayaw mo akong kausap? Hanggang kailan para maisingit ko sa schedule ko ang araw na puwede ka nang kausapin."
"Better not to talk to me anymore." Humigpit ang kanyang hawak sa manibela. He's head tilted on Tasia's direction.
He smile and said,"If you say so..."
Hindi na niya hinintay pa si Tasia na makababa ng sasakyan. Agad niyang initsa sa gwardiyang naroroon ang kanyang susi. Umikot ang kanyang mga mataw sa nadatnan. Kaya pala maagang umalis ng bahay nila ang kapatid niyang ito dahil magkakalat lang pala dito sa kanyang opisina. Nasusuka siya dahil sa naramdamang pandidiri sa titigan nito at ng kanyang sekretarya. Parang nakakakita pa siya ng mga nagsasayawang semilya sa paligid ng mga ito. Hindi siya napansin ng mga ito na dumaan. Binuksan niya ang pinto ng opisina at malakas itong isinara. Sapo ang dibdib na may bahagyang kirot at umupo siya sa sofa na naroroon.
"Bakit parang kumirot ang dibdib ko nang sinabi ni Tasia na mas mabuting hindi ko na siya kakausapin pa?" He murmured.
Huminga siya ng malalim. Hindi siya bobo para hindi malaman ang dahilan nang kirot na ito. Nagpapaka-immature lang siya sa harap ng kanyang pamilya pero alam niyang hindi siya ganoon. Kung sinasakyan lang siya ni Emmanuel, sinasakyan lang din naman niya ang ina. Hindi ito alam ni Emmanuel at ng Ina, lalo namang hindi ito alam ng kapatid niyang mang-aagaw at ama.

BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...