Kanina pa niya tinititigan si Tasia. Akala niya dahil ipinagtapat na niya ang lahat dito ay pananagutan na siya nito. Pero nagkamali siya. Mas naging mailap ito. Sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang mga mata ay agad itong umiiwas.
"Lapitan mo na kasi." Inirapan niya si Emmanuel.
"You know nothing," Wika niya at muling sinulyapan si Tasia na nakikipaglaro kay Niño at Jewel. Isang linggo na rin ang lumipas nang ipinagtapat niya rito ang lahat. Iyak siya ng iyak. Ang higpit pa ng pagkakayakap nito sa kanya. Nais man niyang alisin ang mga brasong nakayapos sa kanyang katawan dahil feeling niya nag-ti-take advantage ito ay hinayaan na lang niya muna. Nakakaawa kasi ang hitsura nito. Mahal naman niya ito, sino siya para alisan ito ng karapatan na hawakan siya? Tasia owned his body. Pero hindi niya sasabihin sa ngayon ang nararamdaman niya rito. Naging marupok siya noon sa dito, at sa pagkakataon na ito ay pipigilan niya ang kanyang sarili na bumigay.
"Wala nga ba akong alam, kuya?" Tumayo siya at hindi ito pinansin. Nilapitan niya si Tasia. Parang wala lang siya sa paligid kung umasta ito. Nakakahiya naman sa yakap nito noong nakaraang linggo.
"Babaeng ninakawan ako ng puri, mag-usap nga tayo." Wika niya dito. Saglit lang siya nitong sinulyapan at agad din namang ibinalik ang atensiyon sa mga mata. "Niño, Jewel, go to your Tito Emmanuel first."
"Ayaw ko, gusto ko kay mommy." Tanggi ni Niño. Simula ng araw na naririto itong si Niño sa kanilang mansiyon ay halos ayaw na nitong umalis sa tabi ni Tasia. Ang feeling din ng batang ito. Ibalik niya kaya ito sa itlog ng tatay niyang walang paki-alam?
"Ibabalik kita sa Tagaytay." Parang may mahika ang binanggit niyang lugar dahil agad namang umalis ito sa tabi ni Tasia.
"Halika na, Jewel. Kay Tito Eman tayo." Aya nito Kay Jewel. Tumayo naman ang huli at sumunod dito patungo sa kinaroroonan ni Emmanuel ngayon ay nakangising nakatanaw sa kanila mula sa paanan ng hagdanan.
"Now, we're alone." Anas niya. Umuo siya sa sofa na naroroon. "Bakit mo ako iniiwasan?"
Tila gulat naman itong sumagot. "Iniiwasan? I'm not avoiding you, Pio. It's just that... After knowing those thing, hindi ko alam kung paano kita haharapin." Hindi ito makatingin sa kanya ng deritso. He leaned forward and held her chin so she will not look down.
"Nahihiya ka bang salubungin ang titig ko dahil makikita mo sa mga mata ko na nagsusumigaw ito ng hustisya para sa nawawala kong puri,o, ayaw mo lang ako titigan dahil takot kang mahulog sa taong ninakawan mo ng dangal?" Bigla itong tumayo at bigla siyang sinakal. Mamatay pa yata siyang hindi man lang nakaranas ng halik.
"Nakaka-bwesit ka na, Pio! Alam mo naman ang pinagdaanan ko pero kung maka-asta ka ay parang wala lang sa'yo ang lahat!"
"B-bitawan mo ako!" Inalis niya ang kamay nito. Nagkanda-duwal-duwal siya sa ginawa nito. Matalim niya itong tinitigan. "Papatayin mo ba ako na virgin ang labi?"
"Y-you knew?" He rolled his eyes as he stood up.
"Do you really think that I was unconscious that night?" Namula ito sa narinig. Akala siguro nito hindi niya alam ang pinagagawa nito sa katawan niya. She may be took the virginity between his thighs, but not his lips.
"Sumosobra ka na, Pio. Ipagtapat mo sa akin ang lahat and we will be fine."
"I already told you every thing." He said.
"No. Kulang ang ipinagtapat mo. Ano ang tungkol kay Daddy? Paano niya nalaman kung nasaan ako sa mga panahon na iyon?"
"Matalino ka, Tasia. Malamang sinabi ko, 'di ba?" He held Tasia's hand. Pilit nitong bumitiw pero hindi niya hinayaan. "For once, Tasia... Sabihin mong panagutan mo ako. Hindi naman ako tatanggi."
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Storie d'amore(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...
