Chapter 9

1.2K 66 8
                                    

Matuling lumipas ang mga araw ni Tasia sa kanyang trabaho. Mag-iisang linggo na ring walang isang Pio na umaaligid sa kanya. Ayon sa kanyang ninang Elisa, mayroon daw itong business trip na pinuntahan.

"It's Sunday, Tasia. Wala ka bang balak lumabas? Date, hang out with your friends, hindi kaya'y magpa-salon ka." Udyok sa kanya ng kanyang ninang habang sila ay nag-a-almusal.

"My so called friends are gone, Ninang. Simula nang malaman nilang walang-wala na kami ay bigla na lang silang naglaho sa buhay ko," Mahina siyang tumawa bago naglatuloy. "I only have one friend that I trusted the most, Ninang. Her name was Carlotta. Matalik ko siyang kaibigan noong nag-aaral ako sa L.A. Pero almost five years na rin po nang huli kaming magkita."

Simula ng araw na iyon ay nawalan na sila ng kontak ni Carlotta. Paiba-iba rin kasi siya ng numero ng cellphone. Kung kailan lang din siya umuwi sa kanilang mansiyon. Kung saan-saang sulok siya ng Pilipinas napapadpad to find her missing piece.

"Bakit hindi na lang kayo ang mag-date na dalawa, Hon? Hindi rin naman kita masasamahan dito sa bahay dahil may bonding kami nitong si Emmanuel." Sabat ng kanyang ninong.

Para namang batang pumalakpak ang Ninang Elisa niya. "Good Idea, Honey! You're the best husband ever!" Hinalikan pa nito ang katabing asawa.

"And you're the best wife ever, Hon!"

"Wow! Bente-kwatro na ang bunso niyo pero kung mag-bolahan kayo parang kaka-on niyo lang, a?" Biro ni Emmanuel sa mga ito. Tumayo ang ninang niya at binatukan ito.

"Inggitero ka talagang bata ka! Balibhasa'y puro ka share your sperm." Tinawanan lamang ito ni Emmanuel.

Napapangiti na rin siya sa mga ito. Sana lahat ng mag-asawa ay katulad nila,less ang away but more on love. Naniniwala kasi siya na mananantiling buo ang isang pamilya kapag pagmamahal ang laging pinapairal. Nakikita rin niya ang namayapang mga magulang sa mga ito. Ganitong-ganito sila kapag magkakasama sa hapag, magkakampi sila ng kanyang mommy at laging ang daddy niya ang talo sa biruan nila. She heaved a sigh. Sabay naman siyang tiningnan ng mag-asawa.

"What's the matter, Iha?" Nagtatakang tanong ng kanyang ninang.

She smiled.

"Wala po, Ninang." Ayaw niyang siya ang maging dahilan ng pagkasira ng magandang mood sa umagang iyon.

Her Ninang Elisa eyed her suspiciously. "O, siya, tayo na lang daw ang mag-di-date. We're going to shop, salon, and I need a massage."

"Sure, Ninang." Nakangiti niyang wika rito.

Nagsuot lamang siya ng high-waist tattered shorts  na hanggang kalahati ng hita ang haba, hangging na hoodie at puting Chuck Taylor sneakers.

"Mas lalong lumabas ang lahi ng Mommy mo sa kasuotan mo na iyan, Iha." Nakangiting puna sa kanya ng kanyang ninang pagkababa niya mula sa kanyang silid.

"Alin sa lahi ni Mommy, Ninang? Korean,American or Filipino?" Biro niya rito. Fil-Am ang ama ng Nanay niya, ang ina naman nito ay Filipino-Korean. Namana niya rito ang kutis at ang singkit na mga mata. Ang tangkad naman niyang limang talampakan at walong pulgada ay namana niya sa kanyang amang Filipino-French. Sa dami ng dugong-banyaga ang nananalaytay sa kanya, mas lumamang ang pagiging mukhang Korean niya.

"Iyan ang tunay na magulo ang lahi." They both laughed.

Sa MOA nila pinili na pumuntang mag-ninang. Inuna nila ang salon.

"Good Morning mga madam! Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?" Salubong sa kanila ng isang medyo may edad ng binabae.

"I want a manicure and pedicure." Tugon dito ng ninang niya. "How about you, Tasia?" Baling nito sa kanya.

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon