Napasinghap si Tasia nang maramdaman ang mga labi ni Pio na dumikit sa kanyang leeg. Hindi niya natitiyak kung halik ba iyon o hindi lang sinasadyang napadikit ang mga labi nito dahil sa pagsubsob sa kanyang leeg. Iwan ba niya, pero sa tuwing nilalambing siya ng ganito ni Pio ay wala siyang lakas ng loob na sawayin ito. Aminado naman kasi siya na gusto niya ang hatid nitong kiliti sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao.
"I love you since the day our eyes met, Tasia." Bulong nito.
"Pio... " Mahina niyang usal. Itinabi niya ang laptop at kumawala rito para magkaharap sila. Kitang-kita niya ang senseridad ba nakaguhit sa mga mata nito. "Our first met was fifteen to sixteen years ago. We werejust a kid back then."
"Yes, but from that day, I couldn't stop my myself from wanting you..." Pio gently cupped her face, holding it perfectly in his hand. Tasia catch her breath as he leaned in to drop a soft kiss on her lips.
"Pio... " She muttered. She can't find a right word to say. Nakatitig lang siya rito. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang romance novel na kapag nagkakatitigan na ang mga bida ay may mangyayaring pagsisihan niya pagkatapos. Iniwas niya ang tingin kay Pio. Kung tunay ngang mahal na siya nito simula pa lamang, kaya ba niyang pumasok sa isang relasyon na hindi pa natatapos ang mga kinakaharap na suliranin?
"Alam ko na pareho tayo nang nararamdaman, Tasia, dahil hindi ka naman umiiwas kapag dumidikit ako sa'yo. Why don't we give it a try? Maybe, we can make it work, lalo na't may anak na tayo," Hinapit ako nito at muling niyakap. "Hindi ko hahayaang lumaki ang mga anak natin na hindi buo ang pamilya. Family is a treasure. Kung may isang bagay man na hindi mababayaran ng pera ay ang pagmamahal na naka-palibot sa isang buong pamilya."
Sang-ayon siya sa tinuran ni Pio dahil lumaki siya sa isang buo at masayang pamilya dahil iyon ang kanyang inakala. Things about her brother never cross her mind. Kaya buo ang kasiyahan niya ng mga panahong wala pa siyang hinaharap na problema. Hindi na niya napigilan ang gumanti ng yakap kay Pio. Tulad nga nang sinabi kanina ng kanyang ninang, hindi na dapat pang magpakipot pa kung gusto niyo naman ang isa't isa.
"Don't hurt me nor my children, Pio." She murmured.
Pio parted from hugging her. Happiness are written on his face.
"Papanagutan mo na talaga ako? Wala nang bawian?" Ang singkit niyang mata ay lalo pang naging singkit dahil sa tinuran nito. Siguro nga hindi ito si Pio kung walang halong kalokohan ang sana ay sersyosong usapan.
"Hindi talaga naging consistent ang serious talk dahil sa mga ganyang hirit mo, Pio. Bakit ba ang hilig mong mang-inis?" Lumayo siya rito at umayos ng upo. At dahil nga si Pio ang kanyang kaharap, hindi mangyayaring hindi siya nito kukulitin.
"Alam mo ba kung bakit gusto kong naiinis ka?" Anito at muli siyang niyakap mula sa likuran. Kung titingnan ay parang kinakandong siya nito dahil nakapaloob siya sa mga hita nito. "Dahil mas nanaisin kong nakabusangot ka kaysa ang makita kang lumuha. Dahil kung sasakyan ko ang trip mong kadramahan dahil sa pagkawala ng anak natin, mas malulungkot ka lang. Ayaw kong mangyari 'yon, dahil ang bawat patak ng luha na dumadaloy sa pisngi mo ay halos isang dosenang saksak ng patalim ang hatid nito sa aking dibdib."
Napahikbi siya sa narinig mula rito. Umikot siya paharap dito. She wrapped her legs on his waist. Iniyakap din niya ang mga braso sa leeg nito.
"Marupok ako, Pio. Pero sana ay makatotohanan ang mga katagang namumutawi sa bibig mo." Tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata. Hindi rin naman ito umiwas, bagkus ay sinalubong nito ang kanyang titig.
"My mouth is capable to lie, but not my heart. And it was my heart who says those words, babe..." Pio wipe her tears. Pagkatapos nitong tuyuin ang kanyang mga luha gamit ang hinalalaki nitong daliri sa kamay ay hinapit siya nito sa baywang. Gahibla na lamang ang agwat ng kanilang mga labi sa isa't isa. They were about to kiss when a cute little voice filled the whole room.
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...
