Wakas

1.7K 64 17
                                        

NAKAKAHIYA!

Iyon ang salitang angkop dahil sa kanyang pagkadapa. Mabuti na lang at agad siyang nakaisip ng sasabihin kay Tasia upang hindi halata ang hiyang naramdaman niya. Iniisip niya kasi ang vow na kanyang saasabihin mamaya kay Tasia. Sinulyapan niya ang nakangising kapatid na si Emmanuel. Inirapan niya ito bago muling ibinaling ang atensiyon kay Tasia.

Ganito pala ang pakiramdam na ikaw ang maglalakad sa aisle at ang bride mo ang naghihintay sa harap ng altar. Kinakabahan siya at parang natatae. Minadali niya ang paglakad upang makarating na agad sa kinaroroonan ni Tasia.

"I'm sorry for the mess, Babe..." wika nito nang magkaharap na sila.

"I will punish you later. Sa ngayon, kailangan nang matapos ang seremonya na ito para matanggap mo na ang punishment mo," Hinawakan niya si Tasia sa kamay para hilahin pero pinigilan ito ng kapatid."Huwag kang epal, diyan! Malaki ang kasalanan niyo sa akin ng kapatid ko. At natawag pa talaga kayo ng ibang tao para ipantakot sa akin, ha?!" mahina pero paasik niyang wika kay Lloyd.

"Not now, Pio." ani Tasia.

Masunurin siya kaya sinunod naman niya ito. Ayaw naman niya maantala pa ang kasal na ito. Aba! This is he want! Ang panagutan ni Tasia ang nangyari sa kanila sa mismong bansa na ito.

"Can we start?" panimula ng banyagang Pari nang nasa harapan na sila nito ni Tasia.

"Yes, Father!" sabay nilang tugon ni Tasia.

At dahil simpleng kasalan lang naman ito, wala nang masyadong seremonya ang naganap.

"Pio-"

"Yes, Father?" kinakabahan niyang tanong. Ngumiti naman ito at umiling. Siniko naman siya si Tasia ay binulungan.

"Let him finish."

"You can continue Father." aniya.

"Pio, Do you take Tasia as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

"I do. But sorry Father, even death can't make us apart."

"Pio nga!" muling sita sa kanya ni Tasia. Ngumiwi naman siya.

"Sorry."

Ngiti lang ang naging tugon ng Pari at muling inulit ang tanong nito na para kay Tasia naman.

"Tasia, Do you take Pio as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

"I do." maiksing sagot nito.

Nang sinabi ng Pari na mag-exchange na sila ng vows ay muli niyang inaalala ang gusto niyang sabihin kay Tasia. Humarap sila ni Tasia sa isa't isa. Hinanda na niya ang sarili para hindi umiyak.

"Pio, Babe... I don't want to be verbose, so I made a simple poem for you," Napakagat-labi muna ito bago muling nagpatuloy."Pio, tatlong letra pero ang sayang dulot nito ay hindi masukat. Pag-ibig, para sa unang letra na siyang buong puso niyang ibinigay sa akin. Iniibig rin kita, pangalawang letra na siyang aking naging tugon. Oo, pangatlong letra na kaya kong sabihin sa ibang tao na nawawalan na ng pag-asang mahanap ang nararapat sa kanila. Opo, may forever. I experienced it with the person named-Pio."

That was the sweetest and sincered words that he ever heard. Hinapit niya si Tasia para sana halikan nang biglang sumigaw si Lloyd.

"Hoy! Huwag excited! Mamaya pa 'yan."

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon