Kanina pa naramdaman ni Tasia ang isang pares ng matang nakatitig sa kanya ngunit hindi niya ito binigyang pansin.
"Masyado kang hot,Babe, para maging cold sa akin."
Tumaas ang kilay niya sa narinig. Simula nang araw ba pinagsigawan ni Pio na dugo't laman nito si Jewel ay hindi na niya ito kinikibo pero hindi ito nagsasawang suyuin siya. Matalino naman si Pio pero hindi niya alam kung bakit hindi nito inaalisa ang mga pangyayari bago paniwalaan. Hindi naman siya galit dito, naiinis lang siya dahil tinago pa nito sa kanya ang tungkol kay Jewel. Sinabi na niya na hindi siya bibitiw, ano pang ikinatakot nito? Wala yatang tiwala sa mga katagang lumabas sa kanyang bibig. Hindi naman siguro masama kung pahirapan niya ito ng kunti.
"Tasia..." muli nitong sambit.
Inaangat niya ang kanyang ulo mula sa binabasang papeles. Tiningnan niya ito ng matiim.
"Mga anak na lang natin ang nag-uugnay sa atin, Pio, kaya hindi mo kailangan na puntahan ako dito araw-araw."
"Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?" may pagsusumamong usal nito.
"Lumabas ka sa opisina ko at huwag nang bumalik pa," malamig niyang saad dito.
Malingkot naman itong tumayo. "Sige, lalabas ako, pero hindi ibig sabihin no'n ay titigil na ako sa panunuyo sa'yo. Gagawin ko ang lahat, mapatawad mo lang ako, Tasia..."
Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa kanyang binabasa. Ayaw niyang salubongin ang mga mata ni Pio dahil baka bigla na lang siyang bumigay.
Maya-maya ay narinig na lamang niya ang pagbukas ng pinto at ang muling pagsara nito. Napabuntong-hininga na lamang siya at napailing.
"You're always in my heart, Pio, but I want you to suffer a bit," she mumbled.
Napapitlag siya nang mag-ring ang kanyang cellphone na nasa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang kanyang caller. Napailing siya nang mapagsino ito. Natitiyak niyang may kalokohan na namang naisip ito kaya napatawag. She press the accept button to answer.
"Ano na namang kalokohan naisip mo sa mga oras na ito, Kuya?!" bungad niya agad dito.
"Kumusta, little sis? Nahihirapan na ba siya?" Humagikhik pa ito sa kabilang linya.
"Ako ang nahihirapan sa mga kalokohan mo niyo ni Emmanuel Kuya! Oo nga't gusto ko rin siyang mahirapan kahit papaano pero huwag naman sa ganitong paraan. Kaya hindi ko siya matingnan ng deritso, e!" reklamo niya sa kapatid.
"Ano ka ba! Magpasuyo ka naman kahit kunti, huwag marupok!"
"Iwan ko sa inyo, Kuya! Bahala na nga kayo diyan," She ended the call and dropped her phone over the table.
"I'm so sorry, Babe... Huwag ka sanang magalit kapag nalaman mo ang lahat ng ito ay kalokohan lang ng mga kapatid natin," Sumubsob siya sa lamesa at napapikit. Kung wala lang sana siyang benepisyo sa larong ito ay hindi niya papayagan ang kapatid na gawin ito kay Pio. Muling nanumbalik sa kanyang balintataw ang usapan nila ng kanyang kapatid noong araw na sinagot nito ang kanyang tawag...
Muling tinawagan ni Tasia ang numero ng kapatid. At sa pagkakataon na ito ay sumagot na ito.
"Problem?" agad na wika nito.
Doon siya napahagulgol ng iyak. Walang katagang lumalabas sa kanyang bibig dahil tila hindi niya alam ang sasabihin sa kapatid.
"Hey, Anastasia! What happened?!" bakas sa boses ng kapatid niya ang pagkataranta. Dapat nga ba niyang sabihin sa kapatid ang ipinagtapat ni Pio sa kanya?
![](https://img.wattpad.com/cover/187034002-288-k235328.jpg)
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
عاطفية(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...