Bumamabang mag-isa si Niño nang naiparada na ni Pio ng maayos ang sasakyan. Nasa gate pa lang sila ay boses na agad ni Jewel ang sumalubong sa kanila.
"Medyo madilim na anak, dahan-dahan lang." Paalala niya rito.
"Jewel's here." Tiningnan ni Tasia si Pio. Bakas sa mukha nito ang excitement. Hindi niya alam pero parang may kumurot sa kanyang puso. Siguro dahil isa siyang inang nagseselos sa atensiyon na ibinibigay ng ama ng kanyang mga anak sa batang hindi naman nito kadugo.
"Your Dad left us for his goddaughter." Mapait niyang wika kay Niño.
"Are you jealous, Mommy?" Inosenteng tanong sa kanya ng anak. Umiling lang naman siya.
"I feel sorry to your twin sister... " Paano kung wala itong kinkilalang ama na nagmamahal dito? Paano kung hindi tama ang pagpapalaki rito? Paano kung wala na ito? Hindi niya alam kung kakayanin niya.
"Huwag na malungkot, Mommy. Makikita po natin si kambal." Niyuko niya ang anak at hinalikan ito sa noo.
"You're such a sweet boy." Aniya. She held her son's arm as they headed inside the mansion.
Naabotan nilang naka-kandong si Jewel kay Pio. Hagikhik naman nang hagikhik ang huli habang hinihipan ni Jewel ang tenga nito. Jewel's mom was standing near them with a smile written on her face. Nang makita siya nito ay bigla itong tumayo at binati sila.
"Hi Tasia, Niño." Anito.
"Don't call me Tasia."
Don't call me Niño."
Sabay na banggit nila ng anak.
"Sorry, Angie. Pamilya ko lang ang p'wedeng tumawag sa akin ng Tasia."
"Call me Prince. I don't like you calling me with my second name." Nakangusong wika ng kanyang anak. Ibig pa lang sabihin ay Prince Niño ang buo nitong pangalan?"
"Ah... Sorry, I didn't know." Para namang Napahiyang turan ni Angie.
"It's just a name. Ano naman ang masama kung tawagin kayo ni Angie sa second name niyo?" Nakataas ang kilay na sabat ni Pio. Nagkatinginan naman silang mag-ina dahil sa sinabi nito.
"Let's go upstairs, Mommy." Wika ni Niño na hindi pinansin ang ama. Tasia shrugged her shoulder as she followed her son.
"I don't like that woman, Mommy. Parang aagawin niya si Daddy sa atin. Bakit hindi mo na lang po panagutan si Dad, Mom?" Ikinagulat niya ang tinuran ng anak nang tuluyan na silang maka-akyat sa kanyang kwarto.
"Panagutan? Where did you heard that?" She asked.
"Sabi ni Tito Emman po, kailangan niyo raw munang panagutan si Daddy para tuluyan na po kitang maging Mommy." Nakalabing sagot nito.
Hinawakan niya ito sa kamay at pinaupo sa kanyang kama. Naupo rin siya sa tabi nito.
"Don't listen to your Tito. Mommy mo naman ako kahit pa hindi ko papanagutan ang daddy mo." Napangiwi siya sa kanyang huling sinabi.
"Talaga po?!" Nasa tinig nito ang tuwa. Niyakap siya nito ng mahigpit. "I love you, Mommy!"
She hugged her son's back. "And my heart's belongs to you and to your twin sister, anak... "
Nasa ganoong ayos sila nang maabutan ni Pio.
"And I love you both..." Anito.
"I don't believe you, Dad!" Humiwalay si Niño mula sa kanyang pagkakayakap at nakasimangot na binalingan ang ama.
"How can you say that? Of course, I love you. You're my precious sperm, I should treasure you."
"But you made mommy sad." Natigilan siya sa sinabi ng anak. Paano nito nasabing ang ama ang dahilan para malungkot siya?
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...