Chapter 19

1K 61 53
                                    

"What are you doing here?" Matigas niyang tanong dito.

"I'm here because of Hope. Is she inside?" matamis itong ngumiti.

"After five years of being a part. How did you know that Tasia is working here? Do you still have communication?" Duda talaga siya sa muling pagpapakita nito kay Tasia.

Carlotta shook her head. "Ah... I asked their family lawyer." Ngumisi siya. Kilala niya ang tinutukoy nito. "Can I see her?"

Tiningnan niya nang makahulugan ang tiyahin. Tumango naman ito.

"She was out." Anito kay Carlotta.

Naging malikot ang mga mata ng huli. "But... She just texted me that she's her."

"Tasia texted you?" Muli niyang tanong. Halatang nalilito na ito sa gustong sabihin. Gustong-gusto na niya itong sakalin 

"No. But... "

Hindi niya na talaga mapigil ang kanyang sarili kaya hinablot niya ang kamay nito at kinaladkad patungo sa opisina ng kanyang Tita Rose. Ini-lock niya agad ang pinto pagkapasok na pagkapasok nila.

"Putang-ina kang hayop ka! Ano ang kinalaman mo sa pagkawala ng anak namin ni Tasia?!" Nanlilisik ang mga matang asik niya rito.

"Ano'ng pinagsasabi mo, Pio? Nawawala ang anak niyo ni Tasia?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito.

"Mag maang-maangan ka pa talaga? Parang hindi ko alam na ang tatay mo ang may pakana ng pagka-matay ng mag-asawang Aranque."

"W-what?"

Dahil sa matinding emosyon na naramdaman, nasakal niya ito.

"Don't mess with my Tasia or else...You'll be attending a party in hell. "

"I k-know n-nothing... " Nauutal nitong wika. Binitiwan niya ito at malakas na sinampal. Napasubsob naman ito sa sahig. Bakas sa mukha nito ang takot na naramdaman.

"Where's my daughter?!" Sigaw niya rito.

"Bakit ba ako nag pinagbinintangan mo? Hindi ko alam kung nasaan ang anak mong babae!" Hindi na niya ikinagulat ang diretso nitong pananagalog. Kung si Tasia ay naloko nito, siya hindi.

"Nasa hospital ka nang nanganak si Tasia, 'di ba?!" Dahan-dahan itong umupo at sinalubong ang kanyang mga mata.

"You're right, I was there. Pero iniwan ko siya na nasa mga bisig niya ang anak niyong babae. I'd left with your son..."

Napatigagal siya sa narinig.

"W-what do you mean?" Nanginginig na tanong niya rito. Ngumisi ito bago tuluyang tumayo at hinarap siya.

"Do you really wanna know?" Nandidiring lumayo siya rito nang akma siya nitong hawakan. "Aloof, huh?"

"Sasabihin mo ba sa akin ang nalalaman mo O sa kulungan ang bagsak mo?!" Ayaw niyang mabahiran ng dugo ang kanyang mga kamay pero parang gusto niyang patayin si Carlotta sa ginawang pagpapaikot kay Tasia.

"Sasabihin ko sa isang kondisyon..."

"Huwag mo na pangarapin pa ang katawan ko. Ibahin mo ako. Hindi ako katulad ng ibang lalaki na madadala mo sa pam-ba-blackmail."

Tumawa ng malakas si Carlotta. Parang hindi nasampal ang gaga. He calm himself. Ayaw niyang madala ng emosyon at baka mapatay na niya ito.

"Alam kong matalik mong kaibigan si Lloyd. Gusto ko lang malaman kung nasaan siya."

"Anong kinalaman ni Lloyd dito? At bakit mo siya kilala?" Nagtatakang tanong niya rito.

"He was my boyfriend. Sad to say... He left me after handling him your son."

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon