Hindi natuloy ang pag-punta nila ni Lloyd sa probinsiya dahil nagka-problema sa branch ng hotel na pinapatayo ng kompanya sa Los Angeles. Siya ang may responsibilidad dahil siya ang may gusto magkaroon sila ng branch sa L.A. Sa suunod na linggo pa sana siya tutungo doon para sa opening ng hotel ngunit may aberyang nangyari. Delayed ang mga materyales para sa kanilang pagbubukas.
Lumabas siya ng kanyang opisina upang puntahan si Tasia. Kahit hindi naman siya nito kinikibo ay kinakailangan pa rin niya ritong magpaalam.
Pagdating niya sa Marketing Department ay naabotan niya ang mga tauhan ng Tita Rose niya na nag-uumpukan patalikod sa pinto kaya hindi siya napansin ng mga itong pumasok. Dahan-dahan siyang lumapit at naki-usyuso.
"Kahit ano pang titig ang gawin niyo diyan, hinding-hindi mapapasa-inyo 'yan," bigla niyang wika nang makita kung ano ang tinitingnan ng mga ito.
"Boss!" sabay-sabay na sambit ng mga ito nang malingunan siya.
"Hindi ito modeling agency para makipagtitigan kayo sa abs ng mga modelo na 'yan," mga babaeng 'to, kung sila tumitig sa katawan ng lalaki ay okay lang, pero kapag ang lalaki ang tititig sa katawan ng babae ay manyak na. Lihim niyang pinaikot ang mga mata at iniwan ang mga ito para puntahan si Tasia.
"Come in," a voice inside answered after he knocked the door.
Pinihit naman niya ito pabukas. Malalim siyang huminga. Ito na naman ang kaba na kanyang nararamdaman sa tuwing magkakaharap sila ng babaeng mahal niya.
"Babe..," tawag pansin niya rito.
"What are you doing here?" malamig naman nitong tugon.
"Can we talk? Please..," nakikiusap niyang sambit.
"I'm busy, Pio. Kung ano man 'yang drama mo, huwag ako ang isturbohin mo."
"Gusto lang magpaalam."
"Go. Kahit hindi ka na bumabalik pa."
Napapikit siya. Gustong-gusto na niyang sigawan si Tasia pero pinipigilan niya ang sarili dahil baka masaktan ito.
"Babe naman... May problema tayo sa hotel na pintayo sa L.A. I need to be there para masigurado na ang pagbubukas nito next week. Hindi ako makaka-alis na ganito tayo."
Hindi ito umimik kaya nilapitan na niya ito.
"Jewel is not mine. Gusto lang tayong sirain ni Angie kaya kung anu-anong kasinungalingan ang ginawa. S-sabi m-mo h-hindi ka b-bibitiw?" Gumaralgal ang huling pangugusap na wika niya. Ginagap niya ang dalawa nitong kamay at lumuhod sa harapan nito. "M-maniwala ka naman sa akin, Babe..."
Pumiksi ito at iniwas ang tingin sa kanya.
"Umalis ka at ayusin ang problema sa L.A. Mag-usap na lang tayo kapag nakabalik ka na."
Nanlulumong tumayo siya at walang imik na lumabas ng opisina nito.
Habang binabaybay ang hallway patungo sa elevator ay nakasalubong niya ang kanyang tiyahin. Hindi sana niya ito papansinin nang humarang ito sa kanyang daraanan.
"Why the long face, pamangkin?" nakangisi nitong wika.
"Not now, Tita," Inirapan niya ito.
"Still rejected?" muli nitong tanong.
"Still unmarried?" ganting tanong niya rito. Asar na asar kasi ito kapag pinag-uusapan ang pagiging old maid nito.
"Whatever!" asik nito na ikinataas lang ng kilay niya.
"Hanap-hanap din bago ka pa tuluyang ma-expire, Tita," pahabol niyang wika rito nang nilampasan siya nito.
He heaved a sigh as he headed the elevator.
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...