Chapter 18

1.1K 54 33
                                    

Malakas niyang isinara ang pinto ng kanyang opisina nang makapasok na siya. Naiirita siya sa sarili dahil alam niyang nasaktan niya si Tasia.  Kinakailangan niya iyong gawin upang maramdaman ni Tasia na hindi naman talaga siya patay na patay dito.

Muling bumukas ang pinto. Tumaas ang kanyang kilay nang bumungad ang kaibigang si Lloyd.

"Akala ko ba hindi ka na muling magpapakita? Bakit ka narito?" Tinungo niya ang swivel chair at umupo.

"I heard what happened to your brother. At nawawala rin daw ang asawa nito. I want to help." Anito.

"Find my daughter first. Si Daddy at Emmanuel na ang bahala kay kuya." Hindi na niya tinanong kung saan nito nabalitaan ang tungkol sa kuya niya. Tulad ng lagi nitong sinasabi. He's Lloyd.

"Fine. Anyway, I bumped into someone called Tasia. I made a joke in her. Sigurado ako na gulong-gulo siya sa mga oras na ito." Kumunot ang noo niya. Gago talaga ito. Ang hilig nitong pagtripan ang ibang tao.

"What did you tell her?" He asked suspiciously.

"Nice meeting you too, little sis. That's what I've told her. Her face was so priceless." Tatawa-tawa nitong wika.

"Don't mess with her. Marami na siyang iniisip, dumagdag pa tayo."

"Tayo? What did you do?" There's a  curiosity in his voice.

"I yelled at her. Haharang-harang kasi siya sa dinadaanan ko. Tumitibok ng malakas ang puso ko kapag nakikita siya,e. Baka hindi ko matupad ang sinabi ko sa kanya na papansinin ko lang siya kapag sinabi na niya."

"She's cute." Kumento nito. Sinamaan naman niya ito ng tingin.

"She's mine." Muli itong tumawa. Sa inis niya ang binato niya ito ng ballpen. "Find your own girl."

"Hindi ko tipo ang katulad ni Tasia. Siguro iniisip ba no'n na kapatid niya ako."

"Lumayas ka na nga! Pampagulo ka lang sa buhay ko." Inirapan niya ito. Nginisihan lang naman siya nito.

"I'm a Dimafeliz, kapareho ng middle name ni Tasia. Hindi kaya ay magkamag-anak kami?"

Pareho silang nagulat ni Lloyd nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok si Tasia.

"I was right. Dito kita maabutan." Sa kaibigan niya ito nakatingin. Tama nga siguro ang sinabi ng huli na iisipin ni Tasia na magkapatid ang mga ito.

"Sino ang nagbigay ng karapatan sa'yo Miss Aranque na basta ka na lang papasok sa opisina ng boss mo?" Hindi siya nito pinansin. Nakatitig lang ito kay Lloyd na para bang naghahanap ng kasagutan sa bumagabag sa kanyang isipan.

"Oh! Ikaw 'yung sa elevator, 'di ba?" Parang tangang tanong ng kaibigan niya rito.

"Before the elevator door's closed, you mouthed something. Was it true?"

"Kaya ka nasasaktan, ang bilis mong maniwala,e." Sabat niya.

"Bakit ka ba sabat ng sabat d'yan, Pio? Sorry to barge in but I really need to talk to your friend." He twisted his lips.

"I was just kidding. Wala akong kapatid, nag-iisang semilya lang ako ng tatay ko."

Isang malutong na sampal ang ibinigay nito kay Lloyd. Lihim naman siyang napangisi. Serves him right. Epal kasi.

"Sa susunod na pagtitripan mo ako, hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin. Natuwa pa naman ako sa'yo kanina, nagawa ko lang ipakilala ang sarili ko bilang si Tasia dahil akala ko mapagkatiwalaan ka. Pareho lang pala kayo!" Sinulyapan siya nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman.

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon