Wala pang isang minuto na nakatayo si Pio sa labas ng pribadong elevator upang abangan ang pagdating ng kanyang ina. Saktong pagbukas nito ay narinig niya ang sinabi ni Tasia na ikinainit ng kanyang ulo.
"Ang gwapo niyang magsasaka, Ninang." may ngiti sa labing wika nito. Hindi niya mapigilan na hindi sumagot.
"Kailan pa naging gwapo ang isang maduming magsasaka?" Kumunot ang kanyang noo nang mapansin ang ayos nito."Mukha kang basahan. No wonder mas gusto mo ng magsasaka.
Kitang-kita niya ang inis na bumalatay sa mukha nito bago siya sinagot. "Sa palagay mo ba ay may makakain ka kung wala tayong magsasaka sa bansa? Napaka-isip bata mo, Pio."
"Kung ako ay isang isip-bata, ano naman ang tawag sa babaeng basta na lang maglalaho pagkatapos yurakan ang pagka-lalake ng isang katulad ko?"
"Enough, Pio!" Kinuha ng Mommy niya ang dala mula rito at inabot sa kanya."Semilya ka nga ng tatay mo, masyadong madaldal!" asik nito sa kanya.
"At least, hindi ipinahid sa kumot, Mom." Inirapan niya si Tasia bago padabog na tinalikuran ang mga ito. Kahit gaano pa niya kagusto ang huli, the fact na tinakbuhan siya pagkatapos nitong makuha ang iniingatan niyang pagka-lalaki ay hindi niya matanggap.
"Ang haba na naman ng mukha mo, Kuya. What happened?" nagtatakang tanong sa kanya ng kanyang kapatid na si Emmanuel.
"Tasia happened!"
"You're twenty-six already, Pio Francis, act like one." wika ng ama nila na palabas ng banyo. Nasa opisina sila nito para pagsaluhan ang pananghalian na dala-dala ng ina.
Iningusan niya ang kapatid na tumawa lamang.
"Hindi kasi kayo ang nawalan!" He rolled his eyes nang pumasok si Tasia na nakapulupot ang braso sa kanyang ina. Aba! May balak pa yatang agawin ang ina niya sa kanya.
"Hi, Mahal!" Lumapit ang mommy niya sa ama at hinalikan ito sa pisngi. Ganun din ang ginawa ni Tasia."O, ano pang hinihintay niyo, Emmanuel, Pio? Ayusin niyo na ang table at kakaen na tayo."
Tumalima naman silang magkapatid. Inilabas niya ang folded table at doon inayos ang pagkaing dala ng ina.
"O, napag-isipan mo na ba ang alok ko sa 'yo, Tasia?" Muntik na niyang mabitiwan ang platong hawak. Ang kulit din talaga ng lahi ng Daddy niya. Bakit ba nito pinipilit si Tasia sa kuya niya?
"Hindi pa po, Ninong. Sa ngayon po ay may hihilingin po sana ako sa inyo. Sana po ay pagbigyan niyo ako." Turan nito sa kanyang ama.
"Let's talk about that over the lunch." Sabat ng Mommy niya. Ipinaghila niya ito ng upuan.
"Mom, kailangan akong panagutan ng alaga mo. Convince dad, please?" Bulong niya rito nang makaupo siya sa tabi nito. Malambing siyang humilig siya sa balikat nito at nilaro ang mga daliri nito sa kanang kamay. Bata pa lamang na siya ay hilig na niyang lambingin ang ina. Pantay naman ang turing ng ina sa kanilang magkakapatid pero siya itong pinaka-malapit dito.
"Para kang bata, hindi ka ba nahiya kay Tasia." Wika ng kanyang ina na hindi naman inalis ang kanyang ulo sa balikat nito.
"Bakit ako mahihiya sa kanya? Sino siya sa akala niya?" Sinamaan niya ng tingin ang kapatid na tumawa. Kanina pa ito tawa ng tawa, parang mas bagay sa kanya ang pagpatingin sa Doctor Falcon na iyon.
"Sino siya kamo, Anak? Hindi ba at ang sabi mo ay siya ang babaeng nagnakaw ng iniingatan mong puri?" Bahagya siyang lumayo sa ina. Bakit ginagawang biro ng mga ito ang karumal-dumal na pangyayari na iyon?
"Nakakainis kayo ni Daddy, Mom!" Malakas niyang sabi. Sabay na bumaling sa kanila ng kanyang mommy ang daddy niya at ang babaeng rapist.
"Ano na namang pag-iinarte 'yan, Pio? Nasa opisina kita. Paano kung may makakita sa'yo na may ganyan kang ugali?"
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...