Chapter 22

1K 57 27
                                        

"Bakit?" Muling tanong ni Tasia kay Lloyd nang makalabas na si Pio.

"Sasabihin ko naman sana sa'yo ang lahat kapag napanagot ko na si Roque. " Nagsusumamo itong tumingin sa kanya. "Nakipag-relasyon ako kay Carlotta para lang malaman ko ang binabalak niya sa'yo.  Kaya ko kinuha si Niño dahil alam kung itatago ito ni Carlotta at aangkining kanya. I'm sorry... "

"I'd live for twenty five years without knowing that I have a brother, " Gustohin man niyang magalit, mas nangingibabaw sa kanyang isipan ang isang tanong, 'Masaya ba ang kapatid niya na hindi nakaranas ng aruga  mula sa tunay na mga magulang?'  Nagsakripisyo ito para sana malaman ang dahilan kung bakit ito ginagawa ni Atty.Roque pero huli na ang lahat. Tinitigan niya ito, her Nanay Esmeralda knows every thing ngunit mas pinili nitong manahimik. Her father trusted Atty.Roque pero ito pala ang pasimuno ng lahat ng mga nangyari sa buhay niya. Her bestfriend Carlotta betrayed her, even Pio knows every thing that happened to her. Kaya pa ba niyang magtiwala? But looking at Lloyd's eyes make her believe what he says.

"Don't feel mad at our parents. It was my decision." Anito.

"Don't touch Nanay Esmeralda. I know her. Hindi niya ako kayang ipahamak." Kumunot ang noo nito.

"Pero alam niya ang lahat, Anastasia, sapat na iyon para masabing isa siya sa may kasalanan kung bakit nawala ang ating mga magulang."

"I heard her. Alam ko na alam niya, na siya ang nakasaksi ng lahat." Umiwas siya ng tingin dito.

"You knew?!" Gulat nitong tanong.

She nodded. "Kung tatanongin mo kung bakit hindi ko kinompronta si Nanay Esme, ginawa ko 'yon dahil naniniwla ako na may sarili siyang dahilan kaya mas gusto nitong umalis na lamang ako sa mansiyon."

"It's your decision. Hmm... How about the thing between us? You know, being siblings." Nakangiwing wika nito.

"Can I ask you first?" tanong niya rito na ikinatango naman nito. "Bakit hindi kita nakikitang umaaligid kay Carlotta? Naging kayo, 'di ba?"

"Can I ask you a favor also?" Naging iba ang hilatsa ng mukha nito.

"I asked you first." Aniya rito.

"Pero ang sagot ay nakasalalay sa favor na hindihingi ko." Hindi na siya magtataka kung bakit magkasundo ito at si Pio. Nakakapagtatakang may mga pinag-aralan pero mukhan iwan kung umasta.

"Fine. What is it?" Tanong na lamang niya.

"P'wede mo bang iumpog ang ulo ko? Baka sakaling makalimutan kong nakipag-relasyon ako kay Carlotta na walang pepe."

Napanganga siya sa narinig. "What?"

"She's a trans woman. Hindi ako makapaniwala na naging kami at nagawa ko pang makipag-halikan sa kanya. Kaya pala ayaw niyang makipag-sex."

"Are young kidding me?! Paanong nangyari 'yon?" Gulat na gulat niyang tanong dito. Hindi siya makapaniwala na ang nakasama niya ng ilang taon sa Los Angeles ay dati pa lang lalaki.

"Baka tinanggal ang nakalawit." Imbes na mainis ay mahina siyang tumawa dahil bakas sa mukha nito ang pagka-irita.

"I don't want to talk about it. I want to know if we could have a chance to treat each other as a siblings?" Lumambot bigla ang expression ng mukha nito.

Muli siyang huminga ng malalim bago ito sinagot.

"You're the only family that I have. Ayaw ko naman pagsisihan ito sa huli kapag pinagtabuyan kita palayo sa buhay ko."

Matamis itong ngumiti. Akma na sana siya nitong lalapitan ng may mailiit na boses na sumigaw at binabanggit ang salitang mommy.

"Mommy ko!"

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon