Hindi makagalaw si Tasia sa kanyang kina-uupuan dahil nakalingkis sa kanya si Pio. Kanina pa niya ito sinisiko pero parang wala lang ito rito. Nakakahiya na sa kuya nitong si Anthony.
"Umayos ka nga, Pio!" Asik niya rito.
"Kung gusto niyong mag-usap ni kuya, huwag mo akong dinadamay." Nakakapagod talaga itong kausap. Ang daming alam na kaartehan.
"Hindi ka naman kailangan sa pag-uusap na ito. Leave us alone, Pio." Utos ng kuya nito.
"Maka-leave us alone naman. FYI, iisa lang kami ni Tasia. Mukha yatang kailangan mo na ng Ophthalmologist." Nakalabi nitong wika sa kapatid. Napailing na lamang siya. Hindi na niya talaga alam kung ano ang puwede niyang gawin para lang tantanan siya ni Pio.
"Iwan mo na muna kami ni Kuya Anthony, p'wede ba?" Bahagya itong lumayo sa kanya. Mariin siya nitong tinitigan bago tuluyang tumayo.
"Kuya? Alam mo ba na kuya rin dati ang tawag ni Mommy kay Dad? Sa pagtawag ng kuya nagsisimula ang lahat, Anastasia!" Hindi na siya nagulat sa manunumbat nito.
"Ang laki ng problema mo sa buhay, Pio. For once, patahimikin mo naman ako! Nakakairita ka na talaga!" Natigilan naman ito sa pagsigaw niya. Kumibot-kibot ang bibig nito na tila may nais sabihin. Napansin niya rin ang pagkuyom ng mga kamao nito. "Stop pestering me, Pio Francis."
Hindi ito umimik. Bagkus ay nilapitan nito ang kapatid at malakas na sinampal.
"Mang-aagaw!" Hiyaw nito sabay padabog na umakyat sa ikalawang palapag.
Binalingan naman niya ang kinakapatid na hinihimas ang pisngi na nasampal ni Pio at humingi nang dispensa rito. "Sorry po kuya, naiirita na po kasi talaga ako sa pag-iinarte ni Pio. Pasensiya na rin po kung nasampal niya kayo."
"Wala ka dapat na ihingi ng dispensa. I know him since we were kids. Hindi 'yan marunong manakit sa paraan na kung papaano manakit dapat ang isang lalake. Mom trained him well." Natatawa nitong wika.
"Pareho sila ni Emmanuel?" Napangiti na ring tanong niya rito.
He shook his head. "Emmanuel can kill. Sinasakyan niya lang ang trip ni Pio dahil ayaw niyang maramdaman ni Pio na nag-iisa lang siya."
"What do you mean, Kuya?" Curious niyang tanong rito.
"Bata pa lang kasi si Pio ay ganyan na siya. Mom pampered him too much. Lagi niyang sinasabi kay Pio na dapat ganito ang isang lalaki. Kaya iba ang paniniwala nito sa isang normal na lalaki. Kaya siya na-bu-bully sa dati sa school dahil bakla ang tingin ng mga kaklase nito sa kanya. And to the rescue naman si Emmanuel. Nangako si Emmanuel na hindi niya iiwan ang kuya niya at simula nga noon ay lagi na lang magkadikit ang dalawa. Kaya Tasia, sana maunawaan mo si Pio. Sa edad na bente-sais ay hindi pa nag-si-sink in sa kanya na ang isang lalaki ay hindi dapat nananabunot at nanampal. Na hindi siya babae para habulin ang nawawala niyang puri kuno."
She nodded. Ngayon ay naintindihan na niya kung bakit ganoon si Pio. Pero bakit ang sabi ng ninang niya ay mana raw ang ugali nito sa kanyang ninong?
"Pero bakit sabi ni ninang, kaugali raw ni Pio si ninong?" Tumawa naman ito ng malakas. Naiiling na ipinaliwanag nito kanya kung bakit.
"That's the reason why Pio acted that way. Kasi ipinamana ni Mommy kay Pio ang ugaling 'yan ni Dad. Hindi halatang paborito ni mommy si Pio, 'di ba?"
"Ang weird ni ninang...." Kumento niya.
"Anyway, let's talk about Dad's proposal. Are you sure na ayaw mo akong pakasalan?"
Tumango siya. "Ayaw ko naman po kuya na itali ka sa isang kasal na hindi mo naman po deserve."
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...
