Chapter 40

1K 50 18
                                    

Isang linggo, isang linggo nang malamig ang pakikitungo sa kanya ni Tasia. Paano pa ngayon na hawak na niya ang matibay na ebidensiya na makakapagsabing tunay nga niyang anak si Jewel? Mariin siyang napapikit. Kahit anong piga niya ng kanyang utak para maalala kung paano nangyari ang bagay na iyon ay walang lumilitaw. Nilamukos niya ang papel na hawak at ibinato sa pintuan ng kanyang kwarto na bigla na lamang bumukas. Sigurado siyang ang kapatid niya iyon dahil wala ang kanyang mag-iina. Namasyal ang mga ito kasama ang kanyang mga magulang.

Inikot niya ang mga mata nang dinampot nito ang papel at tiningnan.

"W-what is this, Kuya?!" nasa tono nito ang hindi makapaniwala sa nakita o nabasa.

"Utak mo 'yan, ibinato ko papunta sa'yo baka sakaling tumalino ka!" Inirapan pa niya ito bago pabagsak na nahiga sa kanyang kama.

"Alam ko na namomroblema ka ngayon, kuya. Kaya hindi ko papatulan 'yang kabaklaan mo. Pero... Paano na ngayon 'yan? Paano ka pa papanagutan ni Tasia dahil dito?" Iminuwestra pa nito ang papel na hawak.

Hindi niya tinugon ang kapatid. Bagkus ay inabot niya ang remote ng ceiling na nasa ibabaw ng lamesita.

"See that?" aniya sa kapatid nang lumitaw ang painting na nasa kisame. Tumingala naman ito.

"Seriously, Kuya? How did it happened? Bakit hindi namin alam 'to?!" gulat na gulat nitong tanong. Lumapit pa ito sa kanyang kama at nakihiga.

"I love her. Hindi ko man alam ang gagawin sa ngayon pero hinding-hindi ko hahayaang mawala ang mag-ina ko sa aking buhay. They are my happiness.I choose to keep them and stay at their side. Because I know, the pain is worth it in the end. It's easy to let go, but it's not easy to face the consequences of letting go."

Hinayaan niyang dumaloy ang luha sa gilid ng kanyang mata. Mabigat ang kanyang pakiramdam dahil sa pangyayaring ito sa buhay niya. Ayaw niyang masaktan si Tasia, lalo na ang mga anak nila. Pero ano magagawa niya kung nasa harapan na niya ang katotohanang nagkasala siya sa mga ito nang hindi niya alam kung paano?

"Mauuna na ako, kuya. Sige lang, mag-emote ka na muna diyan. Enjoy!"

Binato niya nang masamang tingin ang kapatid. Bakit tila natutuwa pa itong nasaasaktan siya? Samantalang awang-awa naman ito noong ang Kuya Anthony nila ang nagmumukmok? Bumangon ito at tinungo ang pinto kaya napaupo na rin siya.

"Wala ka talagang plano na damayan ako? Dati naman ay lagi mo akong sinasaklolohan, why the sudden change, Emmanuel?" wika niya bago pa ito tuluyang makalabas ng kanyang kuwarto. Napatigil naman ito pero hindi siya nilingon.

"Sorry, Kuya. Pero hindi sa lahat ng oras ay kakampi mo ako."

Napatitig na lamang siya sa pintuang nilabasan nito. What's wrong with his brother?

Isang kumusyon sa labas ang kanyang nauligan. Agad siyang tumayo para tingnan kung ano iyon. Bago pa niya maihakbang ang paa pababa ng hagdanan ay narinig na niya ang pasigaw ba boses ng kanyang kapatid na si Emmanuel.

"Pinagkatiwalaan ka ng kapatid ko, Lloyd! Sabi mo anak mo si Jewel? Paanong nangyari na nag-match ang DNA nito sa kuya ko?!"

Patakbo siyang bumababa nang marinig ang pangalang sinambit ng kapatid. Doon niya naabot ang mga ito sa sala na kinukwelyuhan ni Emmanuel ang kanyang kaibigan.

"A-ano ba'ng pinagsasabi mo, Em-Em? Of course, Jewel is mine." may pagtatakang wika ni Lloyd sa kapatid.

Napakunot-noo siya. Nagulohan dahil sa sinabi nito. Inaangkin nitong anak nito si Jewel pero bakit sila ang magkadugo ng bata?

Lumapit siya sa mga ito. Una siyang napansin ni Lloyd kaya pumiglas ito mula sa pagkakahawak ni Emmanuel.

"What happened? I'm just here to give you this," May dinukot ito sa bulsa ng suot na leather jacket. It was a small box. "Bigla kong naalala ito nang nabanggit sa akin ni Helena ang salitang kasal. Nawala mo ito noong nakipagpatayan ka sa taong muntik nang gumahasa sa kapatid ko sa L.A, 'di ba?"

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon