Puting kisame ang sumalubong kay Pio nang iminulat niya ang kanyang mga mata. He scanned the whole place. Puro puti rin ang kanyang nakikita hanggang dumako ang kanyang tingin sa suwerong nakakabit sa kanyang kanang-kamay. Natitiyak niyang nasa loob siya ng hospital. Paanong nangyari iyon? Ang huli niyang natandaan ay ang pag-alis niya patungong Los Angeles para ayusin ang problema sa branch ng hotel na kanilang ipinatayo roon.
Napako ang kanyang tingin sa pintuang bumukas. Iniluwa niyon ang napakagandang babae.
"Dad?!" nasa mukha nito ang pagkagulat. Mabilis itong lumapit sa kanya at ginagap ang kanyang kaliwang-kamay. "Y-you're awake..."
"Who are you? What am I doing here? Where's Tasia?" sunod-sunod niyang tanong dito. Napansin niya ang luhang pumatak sa mata nito. Bakit ito umiiyak? Hindi niya ito kilala. At bakit tinawag siya nitong Dad?
"It's me, Ellasabeth, D-daddy..." Gumaralgal ang boses nito. No. Nagsisinungaling ito. Limang-taon pa lamang ang kanyang anak.
"Ella was barely five. You're not my baby girl."
"Daddy naman! Dalaga na po ako! Hindi na nga ako virgin, e!" Nagmamaktol na saad nito.
Napakunot naman siya sa narinig. Kung si Ella siguro ang magsasabi ng mga katagang iyon ay baka napagalitan na niya. Salamat na lamang at baby pa ang anak niya.
"Hindi dapat ipinagmamalaki na hindi ka na birhen. Paano ka gagalangin ng mga kalalakihan niyan? Tsaka, ano ba ang ginagawa mo dito? Lumabas ka na at baka maabutan ka pa ni Tasia, mas hindi ako kikibuin no'n!"
"What's happening here?" Muling napako ang kanyang tingin sa babaeng pumasok sa nakabukas na pintuan. Sa tantiya niya ay nasa late sixties na ito. Pamilyar sa kanya ang singkit nitong mga mata at ang malasutla nitong balat.
"You're not Tasia's mother, but you look like my babe," aniya rito. Bigla namang tumawa ang dalaga na nagpakilalang si Ellasabeth daw.
"Tumigil ka Pio! Ilang dekada na ang nakalipas pero ganyan ka pa rin. Tumanda ka na lahat-lahat, pero feeling mo ikaw pa rin ang lalaking ninakawan ng puri! Baka nakakalimutan mo na may dalawa pa tayong anak maliban sa kambal?!" Sumalampak ito sa sofa na naroroon sa kanyang silid.
"Obvious naman na nakakalimot na nga siya, Mommy. Akala nga niya five years old pa lang ako. I'm thirty six na kaya!" sabat ng dalagang katabi.
Ano ba ang pinagsasabi ng mga ito? Nadisgrasya ba siya habang papunta sa airport kaya napunta siya future nila ni Tasia at ng mga anak nila?!
Kinurot niya ang kamay ng dalagang katabi. Bigla naman itong napahiyaw.
"Aray ko naman, Daddy! Ang sakit no'n, ha?!"
"So, nasa future na nga talaga ako. At least, alam ko na kung ano ang patutunguhan namin ni Tasia at ng mga anak namin," tila wala sa sariling sambit niya.
"Para kang ewan, Dad. Ito salamin nang makita mo ang nagkakaedad mo nang mukha," Inabotan siya ng maliit at pabilog na salamin nang anak daw niya kuno. Tinanggap naman niya ito at sinuri ang mukha.
"Patungo lang ako kahapon sa L.A, pero bakit tumanda na ang hitsura ko?"
"That was thirty-one years ago, Pio Francis. You're fifty seven now," Tumayo ang may edad nang si Tasia at lumapit sa kanya. "Kahapon lang ay maayos na tayong nag-usap, bakit nakalimutan mo na naman ang lahat?"
Napatitig siya rito. Parang may mabigat na bagay ang dumagan sa kanyag dibdib nang makita itong lumuha.
"Come back to us, Daddy... Promise, hindi ko na rereypin ang crush kong author."
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...
