Ilang araw na siyang hindi pinapansin ni Pio. Tila hangin siya kung daan-daanan lang nito. Hindi man niya aminin, nasasaktan siya sa nagiging trato nito sa kanya. Pilit niyang isinisiksik sa kanyang isipan na nagkakaganito si Pio dahil sa problemang hinaharap ngayon ng pamilya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nakakalabas ng kulungan ang kuya nito. Nadagdagan pa ang problema nang biglang pagkawala ng asawa ng huli na nagngangalang Maria Gorettia.
Lumabas siya ng kanyang opisina. Napakunot-noo siya ng wala siyang makita kahit isa sa mga katrabaho niya.
"Where did they go?" Aniya.
Tinungo niya ang pintuan upang silipin kung nasa labas ang mga ito pero bago pa niya mahawakan ang door knob ay agad na itong bumukas at pumasok ang mga ito.
"Hope? Bakit hindi ka umattend ng general meeting?"
"Meeting?" Nagtataka niyang tanong kay Mia.
"You didn't know? Kung sabagay hindi naman importante ang announcement ni Boss Pio." Nakalabing sabat ni Cara.
"About what?" Bakit siya lang yata ang walang kaalam-alam sa meeting na sinasabi nito?
"Anong hindi importante, Cara? Having an intimate relationship inside this company is prohibited. Palibhasa'y hindi ka naman jowable!" Asik ni Mia sa kaibigan.
"Galangin niyo na lang ang desisyon ni Boss." Ngumiti siya sa mga ito at nagpaalam para lumabas.
Imbis na sa canteen siya pumunta ay sa isang coffee shop na nasa labas ng kompanya siya dumiretso. She ordered her favorite café latte and a chocolate mousse cake.
Habang naghihintay ng order ay pinasadahan niya ng tingin ang buong lugar. Ito ang unang beses na pumasok siya rito sa loob ng ilang linggong pagtatrabaho sa Benedicto Empire. The ambiance was good. At hindi rin maipagkakaila na mahilig sa libro ang nagmamay-ari nito dahil bawat sulok ay may mga bookshelf na obviously ay punong-puno ng libro. Tumayo siya at lumapit sa bookshelf na hindi kalayuan sa kanya. Hindi siya ang tipo na mahilig talaga magbasa, unless it's her favorite author. Nakuha ng kanyang pansin ang isang libro na ang cover ay half naked man na hanggang kalahati lang ng mukha ang pinakita.
"Babysitting The Billionaire by Jamille Fumah?" She never heard the author's name before. Marami kasi siyang kilalang romance author sa bansa dahil she's an avid fan of Martha Cecilia. Kilala niya ang mga taong nakadikit dito. Hinaplos niya ang nakaukit na pangalan sa libro. Marahil ay isa ito sa mga rising star ng Philippines Literature. Kinuha niya ito bago bumalik sa kinauupuan.
Reading the first page made her smile. Patuloy niya itong binasa, ni hindi na niya napansin ang crew ng coffee shop na naglapag ng order sa kanyang harapan. Hindi pa natatapos ang isang kabanata pero pakiramdam niya napuno ng hangin ang kanyang tiyan sa kakatawa. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan man siya ng ibang costumer. Sobrang na-aliw siya sa bidang babae sa part na nasa jeep ito at katabi ang mamang madungis na titig na titig sa kanya. Inakala nitong may gusto ito sa kanya. Iyon pala ay naamoy nito ang sandwich na nasa loob ng kanyang bag. She will recommend it to Mia and Cara, mahilig kasi ang magkaibagan na iyon sa mga tagalog romance. She wondered kung saan nagtatago ang manunulat na ito para hindi niya makilala. She's really good. Na kapag sinimulan mo ang libro niya ay hindi mo na ito titigilan pa. She keep on reading hanggang maubos ang inorder na kape at cake. Nabibitin siya sa binabasa pero kailangan na niya itong ibalik dahil hindi naman ito for sale. These books are for those customers to read. Dadaan na lamang siguro siya mamaya sa National Bookstore to buy the books.
Habang naglalakad pabalik sa kompanya ay nasa isip pa rin niya ang librong nabasa."If I could just laugh all day without thinking any thing that make me want to end everything." She tells' herself.
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Lãng mạn(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...
