Masayang pinagmamasdan ni Tasia ang nag-lalaro na kambal. Mahigit isang linggo na rin na kasama nila si Ella at ngayon sa nakikita ay natitiyak niyang magiging spoil ito kakambal. Malaki ang pasasalamat niya at natupad na rin ang kanyang pangarap na mabuo ang kanyang pamilya. Iisa na lamang ang kulang. Ang maging ganap na silang mag-asawa ni Pio.
Napapitlag siya nang biglang may humalik sa kanyang pisngi.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako nauuhaw." Sita niya kay Pio. Inutusan kasi niya itong kuhanan siya ng maiinom sa loob dahil ayaw niyang iwan ang mga anak na nasa garden.
"Hindi lang kasi basta juice ang inuming kinuha ko. I made it myself." Inabot nito sa kanya ang strawberry juice na dala.
"Ang sarap. Thank you, babe." Saad niya pagkatapos matikman ang juice na ginawa raw nito mismo.
"Mas masarap pa sa akin?" Tumaas-baba pa ang kaliwa nitong kilay. Napatawa naman siya nang may maalala.
"I can't remember it anymore. The last time I tasted you was five years ago." Napanguso naman ito. Sumiksik pa ito sa kanyang tagiliran.
"Babe... Why don't we do it in Los Angeles way? Para mas tumatak sa isipan mo kung gaano ako kasarap." Siniko niya ito.
"At ano? Aakusahan mo na naman akong ginahasa kita? Kung alam mo lang na napapahiya ako sa tuwing pinangangalandakan mong rapist ako!" Niyakap siya nito. Halos hindi na siya makahinga dahil sa sobrang higpit ng pagkakayapos nito.
"Hindi naman na panggagahasa 'yon kapag kasal na tayo," Pio sniffed her neck. Nanindig ang mga balahibo niya sa banda roon dahil sa ginawa nito. "Kailan mo ba kasi balak na mag-propose, babe?" Anito pa.
"Alam mo, Pio, kung proposal ko ang hinihintay mo, hinding-hindi tayo maikakasal." Kung hindi lang niya talaga mahal ang lalaking ito at wala silang anak, baka matagal na niya itong iniwan. "Sino ang matinong lalaki ang maghihintay sa proposal ng isang babae para maikasal sila?"
"Ikaw itong gumalaw sa akin tapos aarte ka diyan? Ang unfair mo, babe! Aba, naman! Kung ang mga lalaki na naka-una sa isang babae ang dapat na mag-propose, bakit hindi ito gawin ng isang katulad mo, babe? Life must be fair!" Pinandilatan niya ito ng mga mata. Tila naging maamong tupa naman ito. "Hindi po kita sinisigawan, babe. I'm just explaining my side as a man who valued virginity."
"Ewan ko sa'yo! Tawagin mo ang mga anak mo at palitan ng damit, baka pinagpapawisan na ang mga iyan." Utos niya rito. Agad naman itong tumalima at nilapitan ang kambal nilang anak.
Sinundan niya lang ito ng tingin. Kahit napaka-pilyo nitong si Pio ay humahanga siya rito kung paano nito asikasuhin ang kanilang mga anak. At tama ang kanyang ninang, napalaki nito si Pio ayon sa kagustohan nito.
"Mommy!" Napapitlag siya dahil sa matinis na boses ng anak niyang babae.
"Yes, young lady?" Tumayo siya at sinalubong ito.
"Gusto ko pa pong mag-play." Nakangusong wika ni Ella.
"Pero anak, pinagpapawisan ka na..." Aniya.
"Inside the house naman po, mommy. Lagyan ko po ng make-up si Daddy at Kuya Niño po." Pinigil niya ang kanyang tawa nang makita ang reaksiyon ni Pio. Si Niño naman ay nakangiti lang na nakatingin sa kakambal nito.
"Fine," Nilapitan niya si Pio at kumapit sa braso nito. "Palitan mo na ng damit ang kambal, babe. I'm so excited to see you wearing a make-up." Hininaan niya ang huling pangungusap na sapat lamang sa pandinig nito. And because he's Pio, he just squinted on her.
"Hindi porke't mahal kita ay aabusuhin mo na ang pagkalalaki ko, babe." Anito na tinanggal ang kanyang kamay na nakakapit dito at humarap sa kanya. Sinapo nito ang magkabila niyang pisngi at madiin siyang hinalikan sa labi.
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...
