Chapter 26

1K 57 28
                                        

Kanina pa hinihintay ni Pio ang pagdating ni Lloyd sa kanyag opisina. Naiinip na siya dahil gusto na niyang umuwi at makasama ang kanyang mag-ina. Hindi kasi pumasok si Tasia sa trabaho dahil sinamahan nito ang anak para mag-enrol dahil pasukan na sa susunod na linggo.

Sinulyapan niya ang relong pambisig. Alas-kuatro na ng hapon. Ang usapan nila ni Lloyd ay alas-tres, may isang oras na itong late. Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Iniluwa noon si Lloyd na naka-busangot.

"Sorry, Bud, I'm late. Alam mo naman nasa Pilipinas tayo, ma-traffic." Anito. Inirapan lang niya ito.

"Sabihin mo na nang makauwi na ako!" May mahaga raw kasi itong sasabihin kaya gusto siya nitong makausap. Natitiyak kasi niya tungkol ito sa nawawala nilang anak ni Tasia.

"It's about Atty. Roque. Malakas ang kutob ko na may kinalaman din ito sa pagkawala ng kakambal ni Niño." Seryoso niya itong tinitigan.

"Paano mo nasabi? Carlotta told us every thing." Alam niya na nasabi ni Carlotta ang lahat ng alam nito sa kanila.

"Because of these." May inilabas itong mga litrato mula sa dala nitong back pack. Our own mukha ni Roque ang siyang makikita roon na kausap ang isang batang babae na nakatalikod.

"You're suspecting that this little girl was my daughter?"

Lloyd nodded."Yes, at hindi lang 'yon ang nalaman ko. Limang taon ang nakalipas ay may kinakasama si Roque na isa ring abogado,lingid ito sa kaalaman ni Carlotta at ng ina-inahan nitong Doktora."

Dinampot niya ang isang litrato na medyo kita ang kalahating mukha ng bata. She looks familiar to him. It may be sounds cliché but he think,he already saw this little girl somewhere.

"She looks familiar." Isinaboses niya ang nasa isipan.

"Paano kung nasa paligid mo lang pala ang anak niyo ni Anastasia? Na matagal mo na pala itong nakakasalamuha?" Alam niyang sinusubukan lang siya ni Lloyd, pero posible rin ang sinasabi nito. Marami na siyang bata na nakakasalamuha, mga anak ng mga tauhan nila sa kompanya na dinadala ng mga ito dahil walang mag-aalaga O mapag-iiwanan. Malambot kasi ang puso niya para sa mga bata kaya siya ang nag-udyok sa kanyang ama na payagan na lang ang mga ito.

"I'll make that person's life a living hell." Walang emosyong wika niya.

"You really scares me,Bud, kapag ganyan ang tono ng pananalita mo. 'Yung pasikretong papatay." Sinamaan niya ng tingin si Lloyd. Ito lang ang nakaka-alam na kaya niyang manakit O pumatay ng kapwa kung kinakailangan. Isang beses na niyang nagawa iyon sa mga panahong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Muntik na siyang makapatay dahil kay Tasia.

"At lalong tatamaan ka sa akin kung hindi mo pa sasabihin sa akin ang lahat nang nalalaman mong, vakla ka!" He hissed at him.

"Bakit ba ang hirap na sumeryoso kapag kausap ka, Bud? Feeling ko talaga natuluyan na tayo." Tumayo siya sa kina-uupuan at umikot para lapitan ito. "H-huwag po..." Ani pa nito.

Kinuwelyuhan niya ito at itinayo. "Gusto mo talaga matikman ang mga kamao ko?"

"Masarap ba 'yan?" Nakangisi nitong turan sa kanya. Dahil sa pagkairita, malakas niya itong tinuhod sa gitna ng mga hita nito.

"Tangina, Pio! Kapag ako nabaog, hindi ka na talaga makakalapit sa kapatid ko!" Hiya nito. He rolled his eyes as he walk towards his seat.

"Kapag ginawa mo 'yon, hindi mo na rin makikita si Angie or should I say... Ang babaeng minahal mo ng buong puso noong mga panahong nagpanggap ka na isang pari." Siya naman ang ngumisi rito nang bigla itong natigilan. Akala yata nito ay wala siyang alam tungkol sa relasyon nito at ni Angie.

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon