Chapter 11

1.1K 72 37
                                    

Sabay-sabay silang umuwi bago mananghalian ng ninong niya at ni Emmanuel. Pabalik na raw kasi mula sa Tagaytay si Pio kasama ang batang si Niño. Hindi alam ni Tasia kung ano ang dapat niyang mararamdaman. Kagabi kasi habang nagpapaliwanag ito sa ina, may kung ano siyang naramdaman. Bigla na lamang nanikip ang kanyang dibdib.

"Wala pa ba?" Kanina pa hindi mapakali ang kanyang ninang. Panay ang silip nito sa sala habang naghahanda ng pananghalian sa kusina. Nagpaluto pa ito ng fried chicken para sa batang si Niño.

"Masyado kang excited, Mom. Para namang semilya ni kuya ang bitbit niya." Biro dito ni Emmanuel.

"Tumahimik ka,Emmanuel! Tatamaan ka na talaga sa akin!"

"Ang ganda mo lalo, Mom!"

"He texted me, malapit na raw sila. Kasama niya rin ang kaibagan niyang babae at ang anak nito," Natigilan siya sa narinig. Parang may kumirot sa puso niya nang sambitin nito ang salitang 'kaibigang babae'."O, ayan na pala sila!" Mabilis namang lumabas ang ang ninang niya. Naiiling namang sumunod ang ninong niya rito.

"Hindi mo ba sasalubungin ang bago nating kapamilya?" Nakangising baling sa kanya ni Emmanuel. Hindi niya ito pinansin, bagkus ay inunahan niya itong lumabas ng kusina.

Dalawang bata at isang babaeng naka-bestida ang kasama ni Pio na pumasok sa kabahayan. Napatitig siya sa batang babae. She really looks familiar. Parang nakikita niya ang sarili rito noong nasa ganitong edad din siya.

"Hi, Family!" Nagulat siya sa biglang pagsigaw ng batang lalaki. Kumislap ang mga mata nito nang makita siya. Tumakbo ito patungo sa kanya at bigla siyang dinamba.

"Mommy ko!" Sa gulat niya ay muntik na siyang matumba. Mabuti na lamang at nasa likuran pala niya si Emmanuel. "Sabi ni Saint Pio may surprise siya sa akin. I knew it! It's you, Mommy!"

Kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata ni Pio. Nasa mata nito ang hindi makapaniwala sa inasta ng bata.

"Niño!" Tawag nito sa bata.

"Thank you, Dad!" Sagot nito kay Pio na hindi bumibitiw sa kanya.

"She's not your mom, Niño!" Lumapit si Pio sa kanila at kinuha ito.

"If she's not my mom. Bakit po nasa kwarto niyo sa bahay ang picture niya?!" Nagpumiglas ito sa pagkakahawak ni Pio. Pinagtakhan naman niya ang sinabi ng bata.

"Hindi siya 'yon. Huwag kang makulit kung ayaw mong ibalik kita sa Tagaytay!"

"Hindi nga kuya? Kids don't lie." Binato nito nang masamang tingin ang kapatid.

Hindi na muli pang nagpumilit si Niño. Sinundan niya ito ng tingin nang lumapit ito sa batang babae. A part of her aches. Hindi niya alam kung bakit, pero may pangungulila siyang nararamdaman habang nakatitig sa mga ito.

"You are Angie?" Natuon ang kanyang mga mata sa babaeng kasama ni Pio.  Hindi nito tinugon ang tanong ng kanyang ninang. Bagkus ay nakatitig lamang ito sa kanya.

"Mommy...." Untag rito ng batang babae. Tila natauhan naman ito nang marinig ang boses ng bata.

"Bakit?" Anito sa anak.

"Kinakausap ka po."

"She's Angie, Mom. Anj, she's my mom." Lumapit naman ito sa ninang niya at nag-mano.

"Pasensiya na po. Ang ganda lang po kasi ng anak niya." Sinulyapan siya nito.

"O, she's my god-daughter, Hope Anastasia." Sinenyasan siya nito na lumapit. Tumalima naman siya.

"Hello..." Aniya rito.

"You looks familiar, Ms. Hope."

"Mommy... " Kinalabit ito ng anak. Niyuko naman nito ang huli. "Pareho kami ng mata, singkit." Napangiti siya sa narinig. Kahit ang bata ay pansin ang pagkakahawig nila.

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon