May kalahating oras na rin na tinititigan niya lang si Niño habang nagsusulat ito sa mismong mesa niya. Apat na taon pa lamang ito pero alam na nito ang mga nangyayare sa pagiligid. Masyado itong observant.
"Sino nga pala anak ang kasama mong pumunta dito sa kompanya?" Ang sarap banggitin ng salitang 'anak' . Sana nga at tunay na lang niyang anak ito. Tumigil muna ito sa pasusulat at binalingan siya.
"Si Tito Lloyd po." Wika nito na ikinagulat niya.
"L-Lloyd?"
"Yes, po. He said kapatid daw po siya ng totoo kong mommy."
Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya sasabihin na ni Lloyd na anak nito si Niño. Sa ilang araw na nakasama niya kasi ito medyo naibsan ang kanyang pangungulila sa anak.
"Pero teka, anak. Hindi ba at nasa La Union kayo ng Lola mo? Paanong magkasama kayo?" Dinala kasi ito ng ninang niya dahil ayaw nitong maiwan si Niño sa mga kasambahay.
"Kasama ko po si Tito Emman umuwi. Tapos po pagdating namin sa bahay doon na po si Tito Lloyd. Then, Tito Emman left me with Tito Lloyd po." Napangiti siya. . Para itong hindi bata kung mag-paliwanag. Bumaba ito sa kina-u-upuan. "Punta po ako kay Daddy, Mom. "
"Busy ang Daddy mo. Magsulat ka na lang diyan, okay?"
"He's not busy po. I saw him talking to a girl at Mama Rose office po. "
Babae? Knowing Pio, hindi ito basta nakikipag-usap sa ibang babae. Tumayo na rin siya. Kahit naman pinagtabuyan siya nito at hindi niya matiis na hindi niya malaman kung sino ang kausap nitong babae.
"Ihahatid na kita."
She held Niño's hand as they walks outside her office.
"Para po kayong mag-ina ni Niño, Miss Hope." Komento ni Mia pagkalabas nila ni Niño.
"Because she's my Mom po." Sabat naman ni Niño dito.
"She's not. " May pang-aasar na tugon ni Mia dito.
"She is. Don't argue anymore."
Sabay silang tumawa ni Mia sa inasta nito. Bumitiw ito at padabog na tinungo ang pinto.
"Hatid ko lang siya sa office ni Tita Rose." Paalam niya kay Mia.
"Oo nga pala, iniwan sa akin ni Director ang susi ng office niya. Uuwi na ako maya-maya , e. Sa'yo ko na lang ibibigay." Inabot nito ang isang bungkos na susi sa kanya.
She smiled. "Okay, I'll hand it to her na lang kapag nakabalik na siya."
Nasa labas na si Niño at may kung anong tinititigan.
"Ano'ng tinitingnan mo , anak?" Sinundan niya ang direksyon kung saan ito nakatingan. She saw a little girl with a pink headband at naka-pink din na damit at sapatos. Ang tambok ng pisngi nito. Niyuko niya si Niño nang kumapit ito sa kanya. "What's the matter?"
"My heart, Mommy... Ang bilis po ng tibok." Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa batang babae na halos ka-edad lang ni Niño dahil napabilis din ang tibok ng kanyang puso nang makita ito. Lalo na nang tumingin ito sa kanila. Tulad ng kay Niño, kulay ano rin ang mga mata nito.
"Hey, sweetheart! I've been looking for you, bakit napadpad ka rito?" Nilingon nito ang babaeng naka-corporate attire. Sa tantiya niya ay nasa trenta na ang edad nito.
"It was my feet fault po, Mommy Atty. " Muli itong lumingon sa kanila ni Pio at ngumiti. She smiled back pero hindi na nito ito nakita dahil nagpahila na ito sa ina.
"Punta na tayo sa Daddy mo, anak... "
"Okay po... "
Nang makarating na sila sa harap ng office ng Director ay agad na hinawakan ni Niño ang door knob ngunit hindi ito bumukas.
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...