Mag-iisang oras na siyang naghihintay sa pagdating ng kanyang sundo ngunit magpa-hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Nababagot na siya at balak na niya sanang pumara ng taxi nang biglang may humintong Lexus sa kanyang harap at bumaba ang sakay nito.
"Hope Anastasia Aranque?" tanong nito sa kanya na may pilyong ngisi sa mga labi.
Pinasadahan niya ito ng tingin.Tumaas ang kilay niya nang mapansin na may bakas ng lipstick ang suot nitong polo. Hindi kaya ay dumaan muna ito sa kabaret bago siya naisipang sunduin?
"Are you the youngest son of Ninong Francisco?" tatlo ang anak na lalake ng ninong niya at ayon sa sulat na pinadala nito,ang bunsong anak daw nito ang susundo sa kanya sa airport.
"Emmanuel Francis nga pala." Inilahad nito ang kanang-kamay. Inabot niya naman ito para kamayan.
"'Yan lang ba ang dala mong bagahe?" tukoy nito sa dalawang malalaking maleta na dala niya. Tinanguan niya lamang ito. Masyado na siyang pagod physically at emotionally para muli pang magsalita. Kinuha naman nito ang kanyang bagahe at inilagak sa compartment ng dala nitong sasakyan. "Get in."
Tumalima naman siya at sumakay sa shotgun seat. Isinandal niya ang ulo sa headrest ng upuan. "Maaari ba muna akong matulog habang nasa biyahe patungo sa inyong tirahan?" wika niya rito habang nakapikit ang mga mata.
"Sure, but... Can I ask you first?"
"What is it?"
"I'm just curious with your Tagalog. Masyadong makaluma naman yata?"
"Medyo nakasanayan ko na limang-taon na ang nakaraan. I've learned to speak Tagalog frequently because of someone who's devoted in our National Language. I have already filled your curiosity, can I have my sleep, now?"
"I'll just wake you up kapag nasa bahay na tayo. Para kang si Kuya Pio... "
Limang-taon at muli na naman niyang narinig ang pangalan ng lalakeng hanggang ngayon ay hindi maalis-alis sa kanyang isipan. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya sa tirahan ng mga ito? Wala man itong malay ng gabing iyon, masyado itong matalino para hindi maisipang magtanong kung sino ang nagma-may-ari ng unit kung saan niya ito iniwan.
"We're here." Napamulat siya sa narinig. Ni hindi siya nakatulog man lamang sa loob ng may isang oras na biyahe nila. Nakapikit lang siya pero ang kanyang isipan ay naglalakbay sa nakaraan.
Iginala niya ang kanyang paningin pagkababa ng sasakyan. In front of her is a huge house. May tatlong palapag ito at napapalibutan ng terasa ang pangalawang palapag. Malaki rin ang kinalakihan niyang bahay ngunit masasabi niyang mas moderno ang istilo ng mansiyon ng mga Benedicto.
Ibinigay ni Emmanuel ang kanyang mga maleta sa gwardiyang naroroon at niyakag na siyang pumasok. "Halika na at kanina pa tayo hinihintay ni Daddy."
Agad naman siyang sumunod dito. Naabutan nila sa sala ang isang medyo may edad ng babae ngunit bakas pa rin sa hitsura nito ang kagandahan.
"Hi, Mom!" bati rito ni Emmanuel. She bit her lower lip. It was her Ninang Elisa, her mom's best friend.
"Tasia!" hindi nito pinansin ang anak, bagkus ay tinakbo siya nito at niyakap ng mahigpit. Pigil niya ang luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata. Kung may pangalawang pamilya man siyang maituturing, iyon ay ang pamilyang Benedicto. "We're so sorry for not being at your side,Iha, pero ilang araw na ka na namin hinihintay ng ninong mo. At napakasaya ko dahil pinaabot mo kay Atty.Roque ang iyong desisyon."
Ayon kay Atty.Roque. Nalaman lang ng mga ito na wala na ang kanyang mga magulang sa araw mismo ng libing. Nag-bakasyon raw kasi ang mga ito ng dalawang linggo sa France. Pinalipas muna niya ang ikatlong araw ng pagkalibing ng kanyang mga magulang bago nag-desisyong lumuwas ng Maynila.
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...