Martes ng alas-sais ng umaga ay gising na si Tasia. At ngayon nga ay kasabay siya ng kanyang ninong papunta sa kompanya ng mga ito. Kailangan niya munang isantabi ang mga bumabagabag sa kanyang isipan para na rin sa ikabubuti ng kanyang sarili.
Hindi katulad nang napapanood sa mga Korean Drama, walang nakapilang empleyado sa labas upang salubungin ang pinakamataas na boss sa kanyang pagdating. Walang yumuyukod upang bumati ng 'magandang umaga'. Tanging ang mga nakakasalubong lamang nila ang siyang bumabati sa kanila. Dumeritso sila ng ninong niya sa pribado nitong elevator. On the way there, may lumapit ritong babae, marahil ay isang empleyado rin. Binati nito ang kanyang ninong. Nang napatingin ito sa kanya ay tinaasan siya nito ng kilay bago umalis. Ngumiti lang naman siya rito. It's not a big deal for her na hindi siya magugustuhan ng ibang nakapaligid sa kanya. Naririto siya upang ayusin ang takbo ng kanyang buhay at hindi para sa mga ito.
"She's the daughter of our company's Finance Director. She's working as one of an accountant." Kiming ngiti lamang ang kanyang isinagot sa kanyang ninong. Marahil ay napansin nito ang pagmamaldita ng babae kanina. She's not threatened. Mas higit pa siyang maldita kaysa rito. Pero ayaw niyang pumatol sa mga low-class bitch. She's a bitch in a way na mananahimik ka na lamang dahil walang mahagilap na salita para maibato sa kanya.
Huminto ang sinasakyan nilang elevator sa ikapitong palapag ng kompanya kung saan naroroon ang Marketing Department. Dumiretso sila sa isang opisina. Sinalubong naman sila ng isang babae na tantiya niya ay nasa kwarenta ang edad.
"Mr.Chairman," Anito.
"Director, this princess with me is our new Marketing Communications Manager. She's Hope Anastasia Aranque. Iha, siya naman ang magiging boss mo rito,si Director Rose Dizon. " Nginitian naman siya nito. She smiled back.
"Mukha yatang napakahalaga ng batang ito, Chairman, dahil kayo pa po mismo ang naghatid dito." Ito na nga ba ang sinasabi niya, ayaw niya ng special treatment sa kompanya ng kanyang ninong. Narito siya para magtrabaho at hindi umastang prinsesa.
"Of course, she is." Hinaplos pa ng ninong niya ang kanyang buhok. Kimi niyang nginitian ang Marketing Director.
"Alam ko pong mahal niyo ako, Ninong. But, I don't want to be treated as a princess. I'm here to work po."
Tumawa naman ito. "O, siya, hinatid ko lang dito ang batang ito, Director. Ikaw na ang bahala sa kanya." Hinalikan siya nito sa noo bago umalis. Napailing na lamang siya.
"Parang anak ang turing sa iyo ni Chairman. Don't tell me na magiging manugang ka niya?"
Bago pa niya maibuka ang kanyang bibig upang sumagot ay may nauna na sa kanya.
"She will. Soon." Taka niyang tinitigan si Pio. Bakit naririto ito, e, wala naman dito ang opisina nito? Hindi yata matatapos ang isang araw na walang Pio na aaligid sa kanya. Ang laki ng suliranin nito sa buhay.
"O, really?" Binalingan siya ni Director Rose. "Is it Anthony?"
"Bakit, Tita? Si kuya lang ba ang nararapat na ikasal? Bakit kapag kasal ang usapan si kuya agad ang nasa isipan niyo?" Nasa tono ng boses ni Pio ang pagka-disgusto sa sinabi ng Director.
"Dahil alam kong hindi ikaw, lalo naman si Emmanuel. At teka nga, Pio, alam kong mas mataas ang posisyon mo sa akin pero dugo ko rin ang nananalayta sa'yo. Ano ang ginagawa mo rito?"
"Checking if my future is here," Sinulyapan siya nito bago nagpatuloy. "And I think, my instinct was right." Binatukan ito ng Director. Hindi niya batid ang tunay na relasyon ng mga ito. Kung pagbabasihan kasi ang sinabi ng huli, magkadugo sila nito.
"Lagi mo na lang akong pinipisikal, Tita! Hindi porket kapatid ka ng napakaganda at sexy kong ina ay may karapatan ka nang saktan ako!"
"Lumayas ka na nga dito. Nakakahiya para sa makakakita ng ugali mong 'yan." Tinulak nito si Pio.
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...
