Chapter 31

999 54 9
                                        

"No! Hindi totoo ang sinabi niya! He's not my father!" Sigaw ni Tasia na ikinapitlag ni Pio. Natitiyak niya na nagsisinungaling lang si Atty. Roque. Hindi niya ito ama!

"Let me finish first, babe." Muli siyang tumahimik at pinakinggan si Pio...

------

Inundayan ng suntok ni Lloyd si Roque. Kung hindi pa  inawat ni Pio ay baka hindi na nito maidilat ang mga mata.

"Huwag mong binabastos ang ala-ala ng aking ina, Roque!" Hiyaw pa ni Lloyd dito.

Humalakhak si Roque. Naningkit naman ang kanyang mga mata.

"Nababaliw na 'yan, kuya! Baka gusto na niyang lumipad mula rito sa rooftop hanggang parking lot." Sabat ni Emmanuel.

"Gawin niyo 'yan kung ayaw niyong malaman ang katotohanan." Sambit ni Arturo kaya ito ang kanyang binalingan.

"Ayaw ko ng maraming paliguy-ligoy pa. Muli kitang tatanungin, Arturo. Bakit niyo nagawa ang lahat ng ito?!" Nang hindi ito sumagot sinakal niya ito. "Wala kang balak magsabi ng totoo?"

"Tatawagan ko na ba ang mga tauhan ko para bawian ng buhay si Esmeralda, Kuya?" Napangisi siya nang nanlaki ang mga mata ni Arturo dahil sa narinig nito sa kanyang kapatid.

"S-sabihin ko na... " Nahintatakotang usal nito.

"Talk!" Asik niya rito bago tinanggal ang kamay sa pagkakasakal dito.

"Noong gabi pagkatapos ng libing ni Senyor Rafael at Senyora Annabelle ay sinadya kong lakasan ang aking boses upang marinig ni Tasia ang mga sinabi ko kay Esmeralda. Nagtagumpay ako dahil namataan ko siya kaya lalo kong pinarinig sa kanya na may alam si Esmeralda sa pagkamatay ng mga magulang nito. Si Esmeralda rin ang inutusan ko na tawagan ito para sabihing huwag na siyang uuwi ng probinsiya dahil mas delekado ang kanyag sitwasyon. Pero maniwala kayo, Boss... Wala akong intensiyon na saktan kayong pareho ni Tasia. Nagigipit lang ako dahil hawak ni Atty.Roque ang kapatid kong si Wena. N-natatakot din ako na baka katulad mo ay mawalan akong muli ng isa pang anak at ng kapatid." Arturo paused and give a glance to Lloyd. "Lloyd... Tunay ngang kadugo niyo si Labrador. K-kapatid siya ng ama niyo ni Tasia. Ngunit ito ay hindi batid ng inyong ama. Anak ito sa ibang babae ng lolo niyo..."

"What?!" Sigaw ni Lloyd. "Kung ganun, bakit mo ito nagawa ng sa pamilya ko? Bakit mo ako kinuhaw sa kanila? Hindi mo ba alam sa buong buhay ko ay nangungulila ako sa isang magulang, ha?!" Nandidilat ang mga matang sigaw pa ni Lloyd kay Roque. Siya man ay nagulat sa nalaman.

"Bakit hindi?! Kung hindi dahil sa ama mo ay may buo sana akong pamilya! Hindi sana kami iniwan ng putang-inang ama ko! Kaya kasalanan ang lahat ng ito ng ama mo!"

"Bakit isinisi mo sa ama ko ang kasalanan ni Lolo?! Tangina! Pati kami ni Anastasia dinamay mo! P-pati ang pamangkin ko!" Parang nagkaroon ng harang ang lalamunan ni Lloyd sa huling mga salitang binanggit nito.

Hindi naka-imik si Labrador Roque. Kaya siya na ang nagsalita.

"Bakit mo dinamay ang mga anak ko sa kagagohan mo, Attorney?" Mahina ngunit may diin niyang tanong dito.

"Hindi pa ba halata? Akala ko ba mga matatalino kayo?" Tumawa pa ito ng nakaka-insulto nagawa niya muli itong sapakin sa panga.

"Hindi ako bayolenteng tao, Attorney, pero para sa mga taong mahal ko ay kaya kong pumatay." Nanlilisik ang mga matang wika pa niya rito.

"Para paikotin kayo. See? I raped Esmeralda, I married her sister Estrella. Kinuha ko sa kanya ang anak naming si Carlotta. Pinasok ko siyang katulong sa mga Aranque para maging mata ko sa lahat ng kilos ng kapatid kong si Rafael. Ano pa ang gusto niyong malaman? Na anak ni Arturo si Angie? At ginagamit ko rin ito upang saktan si Lloyd? O, kung paano ko ginamit si Wena para mahawakan ko sa leeg si Arturo?"  Malakas itong tumawa. Natulala silang tatlo ni Lloyd at Emmanuel dahil sa mga ipininagtapat nito.

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon