"Nawawala si Tasia at kasama niya ang inyong anak, Mr.Benedicto." Parang sinakluban ng langit at lupa si Pio sa narinig mula sa bibig ng Doctor.
"Pero bakit niyo siya hinayaang umalis?! Ipinagbilin ko sa inyo na alagaan niyo siya!" Sigaw niya rito. Hindi niya alam ang gagawin kong may masamang mangyari sa kanyang mag-ina. Pinasundan niya ito simula pa ng araw na dumating siya sa Pilipinas ilang buwan na ang nakalipas.
"But she insist. Wala na akong nagawa nang nilisan niya ang kanyang silid."
Nanlumo siyang umalis ng Hospital. Kung sana ay nasa tabi siya ni Tasia habang isinisilang nito ang kanilang anak, wala sanang ganitong pangyayari, hindi sana ito umalis dala-dala ang kanilang anak.
Agad niyang tinawagan ang taong inatasan niyang subaybayan si Tasia.
"Nasundan mo ba siya?" Agad na tanong niya rito nang sagutin nito ang kanyang tawag.
"Dalawang araw na siyang pabalik-balik sa isang bahay-ampunan boss. Nag-iiyak. Sinubukan kong pumasok sa loob para magtanong-tanong kung ano ang nanyare, nawawala raw ang anak nitong iniwan sa labas ng gate."
"Bakit hindi mo agad ako tinawagan?!" Sigaw niya rito. Nanginginig siya sa nalaman. Nawawala ang kanyang anak. Sino ang kumuha nito? At bakit iniwan ito ni Tasia sa labas ng bahay-ampunan?
"Oy, anak! Bakit ka tulalang nakatitig kay Tasia? Mahal mo na, no?" Napapitlag siya nang sundutin ng mommy niya ang kanyang tagiliran. Kanina habang nakatingin kay Tasia, may ala-alang bumalik sa kanya. May parte sa kanya na gustong sisihin si Tasia, pero kapag naalala niya ang hitsura nito nang datnan niya sa labas ng bahay-ampunan, mas nangingibabaw ang awa niya rito.
"Siya, mahal ko? Asanes!" Pinitik nito ang noo niya. Trip talaga siyang saktan ng ina.
"Ayusin mo nga iyang pananalita mo, Pio! Baka maniniwala na akong hindi ka tunay na lalake." Tinawanan niya lang ito. Walang alam ang mga magulang niya tungkol sa nangyare kay Tasia. Ang lagi niya lang sinasabi ay ni-rape siya nito.
"Ano ka ba,Mom, tumayo nga 'to kay Tasia." Nakangisi niyang wika.
"Sigurado ka ba? Hindi ba at wala kang malay no'n?" Natigilan siya. Wala nga ba talaga siyang malay noon? Pagkakatanda niya kasi ay medyo tipsy lang siya sa nainom. Mataas ang alcohol tolerance niya. He even remembered calling Tasia's name.
"Katawan ko 'to, Mom. I'm straight, huwag kang mag-alala."
"Bakit hindi ka na lang sumama doon sa amin sa garden? May problema ka ba anak?" Umiling siya. Iniisip niya kasi si Niño. Ang alam ng bata ay siya ang ama nito. Hindi niya alam kung paano ipagtatapat sa bata na iniwan lang ito sa kanya ng tunay na ama-his best friend. Hindi rin niya alam kung sino ang ina nito dahil wala itong sinabi sa kanya. Ilang buwan pa lamang si Niño ng mga panahon na iyon. He has a soft spot for a kids lalo na kung nasa apat na taong gulang ito. Naalala niya kasi ang sariling anak. Pinigilan niya ang luhang nais kumawala sa kanyang mga mata. Ito ang isa sa ugali niya na walang nakakaalam. His heart cried every time he remembered his baby girl.
Umiling siya at yumapos sa ina. "Hindi ako magkaka-problema hanggat naririto ka, Mom."
"Bolero! Halika na nga. Sumama ka na sa amin doon sa garden."
Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang dito. Pagkatpos kasi nilang mag-hapunan ay nagsiyayaan ang mga ito sa garden.
"Ayan si Kuya, Dad. Itanong mo pa sa kanya kung naka-ilang panganay na siya." Sinulyapan niya si Tasia. Tulad ng ama't kapatid,nakaupo rin ito sa makapal na bermuda grass. Hindi niya masyadong naaaninag ang mukha nito dahil natatakpan ng kapatid. Kaharap naman ng mga ito ang Daddy niya.
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...
