Chapter 43

1.2K 49 3
                                    

Nang mawala na sa kanyang paningin si Pio ay dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap sa kanya ng kambal at bumangon. Tinungo niya ang bintana at bahagyang hinawi ang kurtina upang ihatid ng tanaw si Pio.

"Take care, Babe..." she mumbled. Her phone rang. She walk towards the bedside table and grabbed it to answer.

"Mamaya ka na bumaba,ihahatid ko lang si Kuya," it was Emmanuel. Ito kasi ang maghahatid kay Pio sa airport.

"Sige, ingat kayo," sagot na lamang niya.

"See you later, Baby!"

"I'm not Sam!" mahina niyang singhal dito.

"I know. Kasama ko lang kasi si Kuya." Tumawa pa ito sa kabilang linya. Tasia shook her head as she ended the call.

Sinulyapan na muna siya ang kambal niyang anak bago lumabas ng kuwarto.

Naabutan niya ang kanyang ninong na nagkakape sa dining area.

"Morning, Ninong!" Masigla niyang bati rito.

"Morning, Iha. Nagpaalam ba si Pio?"

Marahan siyang tumango at umupo sa harap nito,"Pumasok siya kuwarto pero hindi niya alam na gising na ako."

"Kayo talagang mga bata kayo. Bakit niyo pa ba pinapahirapan ang mga sarili niyo? Pati mga bata dinamay niyo sa kalokohan."

"Bored lang daw po si Emmanuel at si Kuya kaya si Pio ang gustong pagtripan, Ninong." Humagikhik siya.

"O, siya, basta siguraduhin niyo lang na walang aberyang mangyayari."

"Tayo na lang po ang hinihintay, Ninong," tugon niya rito. Tumango naman ito pagtapos ay nagpaalam nang umakyat upang puntahan ang kanyang ninang para tingnan kung gising na ba ito.

Ang lahat nang nangyare ay isa lamang na palabas. Hiningi ng kanyang kuya ang tulong ni Angie para sa plano nito at Emmanuel. Todo hingi pa ito ng pasensiya dahil sa nangyari noong birthday ng kambal.

"Sorry, Hope, kung nagawa ko ang bagay na iyon. Alam kong nasaktan ka dahil parang inagaw ko at ni Jewel ang atensiyon ni Pio. I was forced to do that." Nakayukong wika ni Angie.

"I understand now. Ganun mo talaga kamahal si Kuya para maging sunod-sunruran ka?" aniya.

Inangat nito ang ulo at tumingin ng deretso sa kanya. Malungkot itong ngumiti.

"I don't love him. Kaya pilit kong dinidikit ang sarili ko sa kanya dahil sa isang rason."

"Rason? Ahhh... Because of Jewel, right?"

Tango lang ang naging tugon nito. Naiintindihan naman niya si Angie. Bilang ina, gagawin niya rin ang lahat para sa kanyang anak. Kaya niyang tanggapin ang sakit para lang mapasaya ang mga anak at mabigyan ang mga ito ng buong pamilya. Dahil wala nang mas sasaya pa sa isang buong pamilya. Wealth is nothing kung wasak naman ang iyong pamilya.

"Mommy?"

Napapitlag siya nang marinig at boses ni Ella. Matamis niya itong nginitian.

"Good morning, baby! How's your sleep?" Nilapitan niya ito at kinarga.

"Where's Daddy?" Anito na iginala ang paningin. "Umalis na po?" Sumimangot ito nang tumango siya.

"Susunod naman tayo doon next week. You're going to kneel in front of your Dad, remember?"

"You're not wearing your slippers', Ella."

Nabaling ang kanyang tingin sa isa pa niyang anak na si Niño. Bitbit nito ang kulay pink na bunny slippers' ng kakambal.

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon