"Ano ang ginagawa mo rito?" Aniya nang iwan na sila ng sekretarya niyang si Tasia.
"Narito po ako para sundan si Roque. N-nawawalala si Esmeralda... " Nagkaroon ng lambong ang mga mata nito. Ikinagulat naman ni Pio ang sinabi.
"Nawawala?!" Tango ang naging tugon nito kaya muli niyanf itinanong. "Ano ibig mo bang sabihin ay may hinala ka na kagagawan ni Roque ang pagkawala ng asawa mo? Alam na ba ito ni Carlotta?"
Umiling ito. "Pati siya ay nawawala."
Napamura siya dahil doon. Si Carlotta ang pag-asa nila para mas madiin pang lalo ang ama nito sa mga kasalanang nagawa. Pero tila nakatunog ito sa kanilang plano. Sa paanong paraan? Iyon ang nais niyang alamin.
"Paanong nangyari ito? Bakit parang may alam si Roque sa mga plano natin?"
Muli itong umiling. "Hindi ko rin alam kung papaano."
Napahilamos si Pio sa kanyang mukha nang maalala ang balitang hatid ni Arturo noong isang araw.
"O, bakit tila binagsakan ka ng UFO diyan?" Napa-angat siya ng ulo nang marinig ang boses ni Lloyd. Kasunod nitong pumasok sa kanyang opisina ang kapatid na si Emmanuel.
"Ang gulo! Ano ba ang ginagawa niyong dalawa? Ikaw, bud? Akala ko ba ay buntot ka ni Roque? Bakit hindi mo manlang alam na nawawala si Carlotta at ang ina nitong si Esmeralda?!" Asik niya sa mga ito.
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na ngumisi.
"Nawawala? Sino ang nagbalita sa'yo niyan, Bud? Si Arturo ba?" Napakunot-noo siya. Paanong naman ito nalaman ni Lloyd? "Ganun talaga kalala ang tiwala mo sa kanya?"
"Bakit ko naman siya hindi pagkakatiwalaan?" Aniya.
"Minsan kuya, hindi ka rin talaga nag-iisip. Sa pagkakaalam ko ay si Arturo ang buntot ni Aranque kaya paano niya nagawang hayaan na lamang si Araque na iwan ang anak niyo sa labas ng bahay-ampunan? Paano kung siya pala ang may kagagawan kaya hanggang ngayon ay hindi natin ito makita?"
Binalingan niya ang kapatid.
"May dapat ba akong malaman?" Mariin ang bawat katagang sambit niya. Kung puwede lang siguro niyag pabayaan ang kompanya, si Tasia, at si Niño, baka siya na mismo ang maghahanap sa nawawala niyang anak.
"Gusto ko lang itanong, Bud, ano ang apelyido ni Arturo?" Tanong ni Lloyd.
Doon siya biglang napatayo. Parang alam na niya ang gustong tumbukin ng mga ito.
"Bakit ba ang dami niyong paliguy-ligoy? Bakit hindi niyo na lang ako deritsahin?! Tangina!"
"Gosh! I heard you cussed, Kuya! I need to tell this to our sexy beautiful mom!" Sinamaan niya ng tingin ang kapatid.
"Ano ang kinalaman ni Arturo kay Atty. Wena?" Muli niyang tanong.
"They're siblings. Kaya mas tumibay ang hinala ko na ang batang tinuturing na anak ni Atty. Wena ay ang kakambal ni Niño."
"Nasaaan kung ganun si Carlotta at ang ina nito?"
"Nasa safe house. Si Emmanuel na ang bahala sa mga 'yon. Nasusuka akong makita si Carlotta, baka hindi ko matantiya at mahila ko ang lawit nito." Nakasimangot na wika ni Lloyd.
"Gaga! Saan ka nakakita ng transwoman na may lawit? Baka may alam pa si Niño kaysa sa'yo. Sigurado kang magkadugo kayo?" Nakangiwing turan dito ng kanyang kapatid.
"Huwag mo akong inaano d'yan, vakla! Baka lawit mo ang hi—"
Tinampal niya ang bibig ng kaibigan. "Tumigil na nga kayo!" Ibinato niya ng masamang tingin ang kapatid bago muling ibinalik kay Lloyd. "Huwag kang bobo, bud. Nilalagyan ng butas ang mga lalaking gustong maging babae sa paningin ng mga kalalakihan. Napeke ka nga, 'diba?"
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...
