Chapter 8

1.2K 72 48
                                    

Naiiritang ini-off ni Pio ang kanyang cellphone. Kanina pa niya kinokontak ang katiwala niya sa kanyang resthouse sa Tagaytay. Mag-iisang linggo na kasi siyang hindi dumadalaw doon.

"Hindi kinaiinisan ang kapogian ko, Kuya." Kunot-noo siyang napatingin sa nagsalita. Ano ang ginagawa ng ungas niyang kapatid dito sa opisina niya?

"What are you doing here?!"

"FYI, kanina pa ako naririto, hindi mo lang napansin dahil nakatutok ka sa kung sino mang tinatawagan mo." nakangisi nitong tugon.

"Get out!"

Tumayo naman ito. Akala niya lalabas na ng kanyang opisina ngunit lumapit ito sa kanya.

"Nababahala na ako sa 'yo, Kuya. Minsan ay para kang bata, minsan daig mo pa ang isang babae kung mag-inarte. Pero aminin mo nga kuya, ito ang totoong ikaw, ano?" Ngumiwi ito at niyakap ang sarili. "It's scaring me."

"Vaklang 'to!" Sinabunotan niya ang kapatid. Tumili naman ito ng malakas.

"Kuya, enebe!"

Tawa naman siya nang tawa sa inasta nilang magkapatid. Kaya sila magkasundo dahil pareho ang trip nila sa buhay. Ang pinagkaiba lang ni Emmanuel sa kanya, hindi ito naghihinayang sa sariling semilya.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? Parang wala kang trabaho, a?"

"Tumawag kasi ang semilya mo, miss na raw niya ang kanyang Daddy." Sinikmurahan niya ito.

"Gago! Hindi ko anak 'yon. Alam mo namang naka-reserved ito para sa magiging asawa ko."

"Para kay Aranque? Ang loyal ng sperm mo sa kanya, Kuya." Natatawa nitong wika.

"Lumayas ka na nga! Dadalawin ko na lang mamaya ang batang 'yon."

"Hindi ba at hindi mo naman naalala ang nangyare sa inyo ni Aranque? Paano mo nasabing na-disvirginized ka niya, Kuya?"

"Naramdaman kong may nawala sa akin," Tinulak niya ito patungo sa pinto."Bakit ka ba nakikialam? Katawan ko 'to. Alam ko kung may gumalaw sa akin! Layas!"

"Tseh! Mabaog ka sana!" Binilatan siya nito bago lumabas.

Napailing na lamang siya sa inasta ng kapatid. Sa totoo lang nakiki-ride na lang siya sa ugali ng mga ito. Mas matino pa siya sa kuya niya kung tutuusin. Iwan ba niya kung bakit napapalibutan siya ng mga sira-ulo. Pati tuloy siya nadadamay sa mga ito.

Muli niyang sinubukang kontakin ang katiwala sa resthouse. Hindi pa rin ito sumasagot. Nag-a-alala na siya para sa alaga niyang naroroon. Napabuntong-hininga na lang siya na lumabas.

"Zafra." Bigla namang napatayo ang kanyang sekretarya.

"Fafa P-este, Sir Pio..." Iirapan niya sana ito nang maalala kung sino siya sa mga mata ng mga ito.

"Cancel my afternoon appointment. I need to go somewhere."

"Saan po?"

"Gagang 'to. Ang tsimosa!" Umikot ng palihim ang kanyang mga mata. "Kung saan wala ka."

"Uuwi na lang po ako para hindi na kayo umalis." Kagat ang labing wika nito. Tinapunan naman niya ito ng masamang tingin.

"Sige umuwi ka. Dalhin mo na rin ang lahat ng mga gamit mo."

"Sige po, Sir, i-ka-cancell ko ang appointments niyo para mamayang hapon. Ingat po kayo sa pupuntahan niyo."

"Umayos ka. Hindi porket natikman mo ang kapatid ko ay may karapatan ka nang sagot-sagutin ako. I'm your boss, remember?"

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon