Pasulyap-sulyap si Tasia sa kanyang cellphone na nasa ibabaw lang din ng kanyang mesa. Kanina pa niya gustong tawagan si Pio upang yayain na mananghalian sa labas. Gusto niya kasi itong makausap ng masinsinan sapagkat ilang araw na silang hindi nakakapag-usap ng maayos.
Huminga muna siya ng malalim bago inabot and cellphone. Idenayal niya ang number nito.
"Hi, babe!" Agad na bati nito sa kabilang linya.
"Ah, eh, hmmm... T-tatanong ko sana kung kumaen ka na?" Nag-aalangan niyang tanong dito.
"Hindi pa. Marami pa kasi akong ginagawa. Ikaw, nag-lunch ka na?" Anito.
"Kaya nga ako napatawag dahil yayain sana kitang kumaen. Gusto rin kasi kitang maka-usap over lunch." May naulinigan siyang nagsalita sa background nito. Tila boses ito ng kanyang kuya. "Nariyan ba si kuya?"
"Dumaan lang. Anyway, sunduin ba kita diyan, o sa kotse na lang tayo magkita?" Tugon nito sa kanya.
"Sa kotse na lang. See you." Paalam niya dito.
"See you, babe. Love you!" Gustohin man niyang tugunin ang mga katagang nagmula rito ay pinipigilan niya ang sarili. Kailangan niya muna itong maka-usap tungkol sa bumabagabag sa kanyang utak.
Inayos na muna niya ang kanyang mga gamit bago umalis opisina. Pagdating niya aa parking lot ay naroroon na si Pio, may malawak na ngiti sa labi na nakatingin sa kanya.
"I miss you!" Anito na kinintalan siya ng magaan na halik sa kanyang labi.
"Intimate relationship was prohibited in this company." Pinigil niya ang ngumiti nang nagkandahaba ang nguso nito.
"It's my own rule. At wala akong pakialam kung hindi ako tutupad dito. Wala namang alam si Daddy dito. Ginawa ko lang 'yon para walang makalapit sa'yo." Wika nito habang inalalayan siyang pumasok sa shot gun seat ng kotse.
"Bakit mo ginawa 'yon? Alam mo ba na may naririnig ako mula sa bibig ng mga ka-opisina ko na may mag-nobyo na muntik nang maghiwalay dahil sa rules mo na 'yan?!" Asik niya rito nang pareho na silang nasa loob ng sasakyan.
Pio started the engine. Bago pa nito pinasibad ang sasakyan ay binalingan muna siya nito.
"Kung dahil lang doon ay maghihiwalay na sila... Their love wasn't true." Napamulagat siya sa narinig. Si Pio ba talaga ang nagsalita?
"Ano'ng alam mo sa love?" Naka-ismid na tanong niya rito.
"Bakit ko pa i-explain sa'yo kung ano ang alam ko sa pagmamahal kung sa tuwing nasisilayan kita ay halos tumalon na ang puso ko papunta sa'yo?" Anito na hindi man lamang siya sinulyapan. Bagkus ay nilisan na nila ang parking lot ng komapanya.
Napahawak naman siya sa kanyang pisngi. Ramdam niya ang pamumula nito. Aware kaya si Pio na may mga sinasambit itong mga kataga na kayang magpakilig sa kanya. Pareho silang imik hanggang makarating sa isang restaurant na hindi kalayuan sa kompanya.
Pinasadahan niya ang buong lugar. May mangilan-ngilan lang na kumakaen doon pero makikita sa mga ayos ng mga ito na may sinasabi sa buhay. Napatingin siya kay Pio nang hinapit siya nito sa baywang.
"What?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya nang mapansin siyang nakatitig dito.
"Nothing." Ngiti lang ang naging tugon nito. Bumaba pa ang mga mata nito sa kanyang labi. Maya-maya ay dahan-dahan nitong ibinaba ang ulo. Ang akala niya ay hahalikan siya nito sa labi ngunit nabigla siya sa sinabi nito.
"Hindi bagay sa'yo ang shade ng lipstick na gamit mo, babe." Kakawala sana siya mula rito ngunit mas humigpit ang pagkakahapit nito sa kanya. "Biro lang. Kahit ano naman ay babagay sa'yo. Ako nga bagay sa'yo, 'diba?" Wika pa nito na dinampian ng halik ang kanyang noo.
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Dragoste(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...
