Inikot ni Tasia ang kanyang paningin sa loob ng bahay ng dati nilang mayordoma. Noong dalagita siya ay ilang beses na siyang nakapasok dito kaya masasabi niya na malaki ang ipinagbago niyo. Ang bintana na dati ay gawa sa kawayan, napalitan na ng salamin. Bago na rin sa kanyang paningin ang mga muwebles na naroroon.
"Babe?" untag sa kanya ni Pio na naka-upo sa kanyang tabi.
"Bakit?" aniya rito.
"Inaantok ako." Inihilig pa nito ang ulo sa kanyang balikat.
Inalis niya ang ulo nito aa kanyang balikat. "Umunan ka sa hita ko."
Matamis naman itong ngumiti at kinintalan ng halik ang kanyang labi.
"Ang bango... "Sinubsob nito ang mukha sa kanyang kandungan pagkahiga nito sa sofa.
Tinampal naman niya ang braso nito at sinaway. "Umayos ka nga, Pio!"
Humagikhik lang ito. Niyakap nito ang mga braso sa kanyang baywang at sa tiyan naman niya ito sumobsob. "Huwag masyadong hard sa Nanay Esme mo," bulong pa nito bago tuluyang nanahimik.
Napabuntong-hininga naman siya. Katulad nga ng sinabi niya noon, alam niya na may dahilan si 'Nay Esme para maglihim sa kanya. Lahat sila ay naging biktima lang ni Atty. Roque.
"Tasia..."
Napatingin siya rito nang lumabas ito mula sa kusina. May dala-dala itong tray na may dalawang baso ng orange juice.
"Magpalamig ka muna," ani nito na kay Pio ang tingin. "Kasintahan mo ba siya, Iha?"
Tumango siya. "Siya po ang ama ng aking kambal," Inabot niya ang juice na ipinatong nito sa lamesita na nasa kanyang harapan at uminom doon. Tila nawala ang bikig na nasa lalamunan niya kanina habang hinihintay ang paghaharap nilang ito ng dating taga-pangalaga. Tinitigan niya ito ng maigi pagkatapos niyang uminom.
Yumuko naman ito at nagsalita.
"Alam ko na galit ka sa akin at gusto mo akong maka-usap,pero sana'y maniwala ka na wala akong intensiyon na mapahamak ka, Iha. Nagawa ko lang 'yon dahil nanganganib ang buhay ni Carlotta at ng kapatid kong si Estrella."
Hindi siya kumibo kaya napaiwas ito ng tingin sa kanya. Napaiktad siya nang naramdaman abgy mahinang kagat sa kanyang tiyan. Matalim niyang niyuko si Pio. Nakasilip pala ito sa kanya.
"Hindi po ako naparito para sumbatan kayo. Narito ako para marinig ko ang inyong paliwang ukol sa mga pangyayaring ito. Masaya na ako sa buhay ko ngayon, 'Nay. The twins are with me and my brother. Ayaw ko po na may mabigat na dinadala sa aking dibdib kaya hindi po ako galit sa inyo. In fact, I understand what you did and Carlotta. Pero hindi po ibig sabihin no'n ay babalik na po tayo sa dati," Inabot niya ang isa nitong kamay at muling nagsalita. "Hindi po magiging lubos ang aking kasiyahan kung may galit na namamahay sa aking puso. Please tell Carlotta that she's forgiven. For not telling me her true identity and for trying to hide my son-Niño."
"Maraming salamat, Iha..., " Tumayo ito at nilapitan siya. "P'wede ba kitang mayakap?"
Tumango siya at nginitian ito. Nagliwanag naman ang tabas ng may katandaan na nitong mukha na kanina ay punong-puno ng pagsusumamo. Akala yata na kaya siya naparito upang manumbat. Ingat na ingat siya nitong niyakap upang hindi masagi si Pio na ngayon ay mahimbing na ang tulog ayon na rin sa malalim nitong paghinga.
"May itatanong po pala ako, 'Nay, " tanong niya rito nang makabalik na ito sa kinauupuan.
Tumango naman ito. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan.
"Ano 'yon, Iha?" she answered.
"Hmmm... Kumusta po ang dati naming lupain? Ang mansiyon? M-may balita po ba kayo kung may nakakuha na nito?"
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Lãng mạn(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...