Chapter 25

1K 56 39
                                        

Isang linggo ang lumipas nang nalaman ni Tasia ang katotohanan sa buo niyang pagkatao. At isang linggo na rin siyang kinukulit ni Pio. Tulad na lamang ngayon, pareho silang walang pasok sa opisina dahil nga linggo. Kumpleto sila ngayon dahil nakauwi na ang ninong at ninang niya mula sa La Union noong isang araw. Kasama rin ng mga ito ang panganay na anak na simula ng dumating ay gusto na lang na laging mag-isa.

Pagkatapos nilang kumaen ng agahan ay nagyaya si Niño na maglaro silang dalawa sa garden, agad namang sumunod ang ama nitong wala na nga ginawa kundi ang lumingkis sa kanya.

At dahil hindi pa naman ganoon kasakit ang tama ng sikat ng araw sa balat, naglatag na lang sila ng mat para doon mag-laro. Binuksan niya ang Jenga box at ikinalat ang mga blocks.

"P'wede naman tayong maglaro nito sa sala, bakit dito pa? The sun's torturing my skin." Reklamo ni Pio na hinahaplos-haplos pa ang balat.

"Sino ba ang nagsabing makisali ka rito? Pumasok ka kung gusto mo. Treasure your skin, milyones pa naman ang halaga niyan." Painsulto niyang turan dito.

Tumabi into sa kanya at yumakap sa kanyang baywang. Sumubsob pa ito sa kanyang leeg. Lagi itong ganito sa kanya pero ang gusto ay siya ang manligaw dito para official na raw silang dalawa. Nakakabanas na rin talaga ito.

"Umaayos ka nga, Pio!" Malakas niya itong tinulak. Nakawala naman ito mula sa pagkakayapos sa kanya. "Hindi porke't tunay nating anak si Niño ay may karapatan ka nang yakap-yakapin ako!" Asik niya pa rito.

"Tunay na anak?!" Sabay nilang nilingon ang nagsalita. Nanlalaki ang mga mata ng kanyang ninang na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Pio. Kasunod nito nasa likod nito si Emman at ang kanyang Ninong Fran na pareho ring nakanganga. Nangkatinginan sila ni Pio. Hindi pa kasi nila sinasabi sa mga ito ang mga nalaman nitong mga nakaraang araw.

"Kunwari nagulat ako. OMG! Anak niyo si Niño? As in? Siya na talaga ang naging bunga ng inyong pagniniig na si Aranque lang ang nag-enjoy?!" Eksaheradong wika ni Emmanuel. Piningot naman ito ng kanyang ninang.

"May alam ka tungkol dito? Bakit wala ka manlang ibinanggit?!" Hiyaw dito ng ina.

"Mom,naman! Ikaw ang nagsilang kay kuya, pero bakit ako itong nakapansin na kamukha ni Niño si kuya no'ng nasa ganitong edad rin ito? Sure ka Mom na hindi ni yo lang inampon ni Daddy si Kuya Pio?"

"Ikaw ang inampon kaya lumayas ka dito!" Sigaw dito ng ina. Kung nasa ibang sitwasyon lang siguro sila ay baka napatawa na siya.

"Since birth, Daddy ko na si saint Pio. Bakit ang laki ng problema nila sa'kin?" Sinulyapan niya ang anak nang marinig niya ang mahina nitong wika. Nakayuko lang ito at inaayos ang jenga blocks. Naniniwala na talaga siya sa sinabi ng ninang niya noon na ang panganay na anak lang nito na si Anthony ang matino kausap sa mga lalaki nito sa buhay. Itong anak niya, mix attitude. Minsan matino, kadalasan mana sa ama at tiyuhin na si Emman. Pati na rin sa kapatid niyang si Lloyd na mukhang may lamat din sa utak.

"Kayong dalawa! Baka may gusto sa inyong magpaliwanag sa amin?" Ang ninong na niya ang nagsalita. Ang ninang kasi niya ay busy sa kakasermon kay Emmanuel. Serves him right.

Muli silang nagkatinginan ni Pio. Pinandilataan niya ito ng mata.

"Patinuin mo nga muna si Mommy at Emman, Dad." Wika nito sa ama. Agad ko naman itong kinurot sa tagiliran.

"Huwag mo ngang ginaganyan si Ninong!" Sita niya rito.

"It's okay, Tasia. Sanay na ako sa kabaklaan niyang si Pio."

"Wow, Dad! Nahiya naman po ako sa ipinamana mo sa akin." Sabat ni Pio sa ama.

"Oh, tapos na ako dito kay Emmanuel. Wala pa bang magpapaliwanag?" Nakataas ang kilay na wika ng kanyang ninang.

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon