Chapter 4

1.6K 97 20
                                        

Nasa hardin ng mga Benedicto ngayon si Anastasia, at ang nilalaman ng kanyang isipan ay hindi tungkol sa pag-uusap nila ng kanyang ninong kundi ang iginawi ni Pio sa harap niya at ng mommy nito kanina. Simula pa lamang ay batid na niyang anak ito ng kanyang ninong. Hindi man niya ito nakakasalamuha noong kabataan niya, alam niya na ang batang Pio na panay lamang ang titig sa kanya noon at ang Pio na kanyang iniibig ay iisa lamang. Ni hindi pumasok sa kanyang isipan na kilala siya nito. Ilang taon na rin naman kasi ang lumipas bago sila muling nagkaharap at iyon ay noong nasa Los Angeles silang pareho.

"Pagpasensiyahan mo na sana si Pio, Iha, ganoon lang iyon kapag naririto sa mansiyon." Nilingon niya ang kanyang ninang. "Curious lang ako sa sinabi niya kanina, iha, totoo ba iyon?"

Her cheeks flushed. Napakadaldal naman kasi ng lalaking iyon, sukat ba naman na ipagmalaking ako ang nakauna sa kanya.

"Aaminin ko po ninang na masyado akong mapusok noong nasa L.A ako. Hindi rin nararapat na isisi ko sa alak ang nangyari sa amin dahil ako ang nag-udyok sa sarili ko na gawin iyon kay Pio. Pero ninang kasi... The first day our eyes met, he already owned my heart."

"Ano ang ibig mong sabihin, Tasia?" there's a curiosity in her voice.

"Minahal ko po agad si Pio noong araw na nagkasalubong ang aming mga mata sa loob ng Filipino Society Club, back in UCLA, Ninang." dire-diretso niyang wika rito. Bakit niya ikakahiya ang kanyang nararamdaman para sa anak nito?

"Ibig mong sabihin ay totoo ang sinabi ni Pio?" Tumango siya na siyang ikinalaki ng mga mata nito. "Malaki ang pagpapahalaga niya sa kanyang pagkalalake, Iha, kaya ngayon pa lang ay ihanda mo na ang iyong sarili."

Napaisip rin siya sa sinabi ng kanyang ninang. Bakit ganoon na lamang pagpupumilit ni Pio na panagutan niya ito? Siya itong babae at mas pinili niyang kalimutan na lamang iyon pero bakit si Pio ay tila hindi makausad sa katotohanang nakuha niya ito ng walang pahintulot?

"Anyway, Tasia, kinausap ako ng ninong mo patungkol sa pinag-usapan niyo, hindi ako pabor sa gusto niyang mangyari pero nasa iyo pa rin ang desisyon kung papayag ka sa nais niya."

Napabuntong-hininga siya. May parte sa kanya na gusto niyang pumayag sa nais ng kanyang ninong ngunit sa tuwina ay bumabalik sa kanyang balintataw ang mukha ng lalaking iniwan niya limang taon na ang nakaraan sa Los Angeles. Batid niya na sa mga oras na ito ay umiibig pa rin siya rito. Kung tutuusin, sa takbo ng usapan nila nito kanina sa hapag-kainan,pupwede na niyang matupad ang isa sa kanyang pangarap na makasama ito sa panghabang-buhay, ngunit hindi niya gagawin iyon dahil ayaw niyang itali ang taong ginusto lamang siya sa kadahilanang siya ang nakauna rito.

"Nais ko po muna itong pag-isipan ng maigi, Ninang. I don't want to jump into a thing na sa huli ay ako ang masasaktan," Ginagap nito ang kanyang dalawang kamay at binigyan siya ng mabining ngiti."Makukuha ko ang masiyon na kinalakihan ko, Ninang, hindi man sa ngayon pero sinisigurado ko na maibabalik iyon sa akin. For now, I need to be strong para matupad iyon."

Tumango-tango ito."Nandito lamang ako, hindi ako makakapayag na may manakit sa iyo lalo na si Pio."

"Ako itong may kasalanan sa kanya, Ninang." Humagikhik ito. Napangiti na rin siya rito. Ang amo ng mukha nito, kamukhang-kamukha ito ni Pio. Malalantik ang pilik-mata, bilugan ang mukha na may matangos na ilong at maninpis na labi. Kasabay ng tawa nito ay ang pagngiti rin ng kanyang mga matang kulay abo.

"Sa tatlong prinsipe ko, si Pio ang pinaka-malambing sa akin, siguro dahil siya ang male version ko. Pero ang ugali nun ay parang ang ama rin niya, mahiyain sa taong gusto nila, and when they over come it, nagiging isip-bata na ang mga ito. Pero kapag trabaho ang usapan, halos hindi mo na sila makilala. They are both devoted when it comes to our business. Kaya sana Tasia, mas habaan mo pa ang iyong pasensiya para kay Pio. I know every inch of him, kaya batid ko na hindi ka niya titigilan."

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon