Napapangiti na lamang si Tasia habang pinagmamasdan ang kanyang mag-aama na nagkukulitan sa hardin ng kanilang mansiyon dito sa probinsiya ng Antique. Dalawang dekada na ang nakaraan simula nang nakasama nila ang kambal. Fifteen years old na ang kanilang bunso na si Santino at dise-nueve naman ang sumunod sa kambal na si Sealtiel Sky.
"Mama!" tawag sa kanya ng bunso.
"I'm just here!" napasimangot naman ito sa kanyang naging tugon.
"Why the long face?" Tumayo siya mula sa kinauupuan at lumapit sa mga ito. Sinalubong naman siya ng asawang si Pio at kinintalan ng halik sa labi.
"Ang landi mo sa part na 'yan, Dad! Tanders ka na pero kung landiin mo si Mommy sa harap namin... " Nakataas ang kilay na kumento ni Ella na nakalingkis na naman sa kakambal nitong si Niño na tulad nang nakagawian, may hawak na namang libro.
"Kontrabida ka rin sa part na 'yan, sweetheart! Aba! Kung hindi ako nilandi ng mommy mo, wala kayo ng kakambal mo na 'yan."
"Nilandi, Papa? I thought pinagsamantalahan ka ni Mama?"
"Sealtiel!" singhal niya sa anak. Ito ang pinakamasunurin nilang anak pero ito rin ang pinakamadaldal.
"Sorry, Mom," lihim naman siyang napangiti dahil sa inasal nito.
"Halika nga dito." She opened her arms wide. Malakas siyang tumawa nang inunahan ni Niño ang kapatid na pumaloob sa kanyang mga bisig.
"Ako dapat 'yun, Kuya Niño!" Pagmamaktol ni Sealtiel.
"Bago pa kayo makalapit sa Mommy ko, ako muna," Mahigpit akong niyakap ni Niño at bumulong. "I miss hugging you this tight, Mommy ko."
Pumatak ang luha sa kanyang mga mata dahil sa narinig mula sa panganay nila ni Pio. Siguro kung hindi siya nagpursigeng hanapin ang nawawala niyang anak ay hindi niya kayakap ngayon si Niño.
"Mommy din natin siya, 'di ba, Ate El?" Napangiti siya sa sinabi ng bunsong si Santino.
"Mommy namin siya ni twinnie, ask niyo si Dad kung sino Mommy niyo. Baka 'yung baklang si Carlotta." Mataray namang tugon dito ng panganay niyang babae.
"Ella!" Saway dito ni Pio. Kahit anong pakiusap nila sa kanilang anak na patawarin na si Carlotta ay ayaw nitong makinig. Sadyang matigas ang puso nito pagdating sa huli. Katunayan, matagal na silang okay na dalawa ni Carlotta, naging ninang pa nga ito ng kanilang bunso.
"Sorry not sorry, Dad. I hate her! Kung hindi dahil sa kanya, hindi kayo nag-suffer ni Mommy."
Kumalas si Niño mula sa pagkakayakap sa kanya at nilapitan ang kakambal.
"Matanda pa rin siya, Ella. Kung hindi mo siya kayang respetohin bilang kaibigan ni Mommy, respect her as a human," sermon dito ng kakambal.
"Come here, Sweetheart," ani Pio rito. Agad naman itong lumapit sa ama at yumakap.
"'Di na ako love ni Twinnie, Dad."
Napailing na lamang si Tasia sa inasta ng nag-iisang babaeng anak. Bata pa lamang ang mga ito ay nakikitaan na ito ng respeto sa kapatid. Si Niño lang ang tanging nakapagpatahimik dito.
"Tama naman kasi ang kakambal mo, respect your tita Carlotta as a human. Tulad niyan, tinawag mo siyang bakla kahit hindi naman." Alo naman ng ama rito.
"Transginger 'yung ninang ni Santino, ate."
Mariin siyang pumikit. Kahit kailan talaga itong si Sealtiel.
"It's transgender, kuya."
Ngumisi si Sealtiel at inakbayan ang kapatid.
"Alam mo kasi bunso, hindi mo dapat pinapakialaman ang desisyon ng kuya mo. Kung ang sinasabi ni Kuya Natin at ni Daddy P ay respetohin ang ninang mong dating lalaki as a human, respect me as your brother, understand?"
![](https://img.wattpad.com/cover/187034002-288-k235328.jpg)
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romantizm(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...