2nd Chapter

13.1K 548 162
                                    

II:
Deal

EDELINE'S warm and vibrant smile made me feel better. Sobrang energetic niya no'ng bumaba sa school bus habang ako naman ay nakaabang sa labas ng gate namin. Pagkatapos kong makipag-usap kay Josh sa restobar kanina, kaagad na akong umuwi ng bahay para masalubong ang pamangki ko. Dumating na rin kasi ang mga kaibigan at kasosyo ko sa negosyo na sina Pattie at Maxie kaya sila na ang bahala sa pagpe-prepare do'n sa restobar.

"Tito Bas!" Yumakap kaagad siya ng mahigpit sa akin.

"How's school, my princess?"

"Bongga!" she answered in a high-pitched tone.

"Hoy, sa'n mo natutunan 'yan?"

"Tita Pattie and Tita Maxie taught me."

"Don't listen to them. They're B.I."

"What's B.I. po, Tito?"

"Bad influence."

Her mouth fell open and her eyes widened. Kahit kailan, eksaherada talaga ang mga reactions ng pamangkin kong 'to. Pang-Best Actress, mana sa tito niya. Pwede ko 'tong pag-audition-in sa mga talent centers in the future. May future 'tong batang 'to, eh.

"Isusumbong kita sa kanila, ah," biro niya.

"Eh 'di magsumbong ka. Hindi ko ipapakain sa'yo ang cookies na ginawa ko."

"That's unfair!" She pouted.

"Mas unfair ka. You're using your cuteness para matalo ako."

"Sorry, it's your weakness po kasi, eh."

Natawa na lang ako at kinurot siya sa pisngi.

"O, sige na. Magbihis ka na at kainin ang snack mo."

Sa edad na six years old, nagugulat pa rin ako sa mga lumalabas sa bibig ng pamangkin ko. Parang dalaga kung magsalita. Ang arte-arte at sobrang kikay. At aaminin kong malaki rin talaga ang influence namin ng mga kaibigan ko sa ka-artehan niya. Gayunpaman, she's a brilliant kid. Maganda ang performance niya sa school. Sa katunayan nga, malaki raw ang chance na mag-first honor siya by the end of the school year.

Bukod sa talino, I also made sure na maturuan siya ng mabuting asal. Gusto kong lumaki siya na marunong maawa at tumulong sa kapwa. I didn't want her to become a spoiled brat kasi hindi rin naman kami mayaman kaya hindi rin bagay sa kanya. Pinalaki ko siyang may tiwala sa Diyos because I know that's what my sister would have wanted her to be if she was alive.

Naalala ko na naman tuloy si Ate Carissa. It's been six years mula no'ng namatay siya sa panganganak. It was the hardest and darkest chapter of my life. Dalawa na lang kami sa mundong 'to mula no'ng namatay ang mga magulang namin dahil sa isang vehicular accident. Wala na kaming ibang kilalang kamag-anak that's why we were left to look out for each other. Since mas matanda ng limang taon si ate sa'kin, she became my second parent.

She was taking her Master's Degree at that time but decided to drop out para magtrabaho. Nakapasok siya bilang executive assistant ni Rafael Heraldez, CEO ng isang construction firm. Palagi niyang ikinukwento sa'kin kung ga'no ka-arogante at ka-demanding ang boss niya. But months later, nagtaka na lang ako nang bigla itong bumisita sa'min na may dalang bulaklak. Nasundan pa iyon ng mas marami pang pagbisita hanggang sa nalaman ko na lang that they were exclusively dating already.

Kuya Rafael was one hot piece of meat. Siya iyong tipo ng lalaki whose presence would demand attention. Masyadong gwapo, mapapalingon ka talaga. And contrary to what ate had told me, he was not arrogant. In fact, he had a weak spot for the poor people. Matulungin siya at mabait. Kaya hindi na ako nagtaka no'ng sinabi ni ate na mag-boyfriend na nga raw sila. Kilig na kilig naman ako. Para kasing pang-pocketbook ang love story nilang dalawa.

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon