9th Chapter

8.4K 483 75
                                    

IX:
Yes!

***

BAS' POINT OF VIEW

HERALDEZ CONSTRUCTION was about to celebrate its 25th anniversary. Aligaga ang lahat sa preparations since Josh wanted it to be perfect. Pati tuloy ako ay na-i-stress sa dami ng kailangang asikasuhin.

"Josh, hindi pwedeng hindi tayo umuwi. Hahanapin ako ni Edeline," paliwanag ko pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina niya ng hapong iyon.

Nag-email siya sa'kin na hindi raw kami makakauwi ng Allustrea dahil may papasok raw na bagyo sa bansa mamayang gabi. Meaning, hindi kami pwedeng gumamit ng choper bukas papuntang opisina. Hindi rin magiging safe bumyahe kahit mag-kotse kami. At hindi rin daw pwedeng hindi kami pumasok sa trabaho bukas dahil marami kaming kailangan gawin.

"Alin ba do'n sa email ko ang hindi mo naintindihan, Bas? Do you want us to travel kahit may bagyo?"

"Gusto kong umuwi. I don't care kung gusto mong magpaiwan rito. Baka naman pwedeng hindi na muna ako pumasok bukas."

"I need a secretary. As you can see, we're very busy right now. Nag-aabot ang mga trabaho natin at ang preparations for the company anniversary. Do you think makakaya ko ang lahat ng 'to without your help?"

"Pero si Edeline..."

"Tatawag tayo sa mansyon. Explain the situation to her. She's a big girl and I'm sure maiintindihan niya tayo. Tutulungan kitang mag-explain sa kanya kung kinakailangan."

Napakamot ako sa ulo. Hindi lang kasi ako komportable na wala ako sa tabi ni Edeline mamayang gabi. First time na mangyayari iyon. Kung ako nga ay hindi komportable sa ideya, pa'no pa 'yong bata? Pero may point rin naman si Josh. Empleyado niya ako and I have a responsibility na magpaka-sikretarya sa kanya.

"O-okay." Napipilitang tumango ako.

"Look, I'm sorry this is happening." His features softened. Naawa siguro nang makita ang pag-aalala sa mukha ko. "You have to understand na hindi ko rin gusto 'to. But we have no choice."

"Yes, I understand. I'm just worried."

"You don't have to worry about anything. Edeline is safe in the mansion. Maraming katulong at guards ang pwedeng magbantay sa kanya do'n. I want you to focus on your works, okay?"

Tumango ako at lumabas ng opisina niya. God, nakaka-stress!

Una kong naabutan pagbalik sa desk ko ay si Nikka na mukhang hinihintay ako. She was wearing a knee-length red dress with a plunging neckline. Nakalugay ang kulot niyang buhok, pulang-pula ang labi na tumerno sa suot niyang damit, purse at stiletto. Hindi rin naman siya masyadong galit sa pula, ano?

"Good afternoon, ma'am. How may I help you?" I asked in the most professional tone I could give. Naupo akong muli sa desk ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"I'm here to see Josh."

"Do you have an appointment po?"

"Duh. You're his secretary, you already know the answer."

Huminga ako ng malalim upang pahabain ang pasensya ko. Kailangan kong kumalma, or else, aabutin ko na ang pinakamalapit na ballpen o kaya nama'y gunting sa desk ko at isasaksak ko sa maarteng babae sa harap ko.

"Then I'd assume that you already know my answer, ma'am. Hindi kita pwedeng papasukin sa office ni sir if he's not expecting your presence today."

"What did you say?" Napanganga siya. Mukhang nainsulto at hindi makapaniwala sa isinagot ko.

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon