III:
Welcome to Allustrea***
BAS' POINT OF VIEW
HINDI ko alam kung ilang oras akong nakatulog sa byahe. Ang boring kasi. Ayaw magpatugtog ng music ni Josh kasi busy siya sa harap ng cellphone kaka-check ng kung anu-anong business-related stuff raw. Humingi naman ako ng pagkain, wala raw siyang dala. Ayaw namang pumayag mag-drive thru kasi aksaya lang daw sa oras. Sa Allustrea na raw kami kakain dahil nagpahanda raw siya ng dinner para sa amin doon. Papatayin yata ako sa gutom ng gago.
Eh, ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang matulog?
Iyon nga lang, pag gising ko, hindi ko na alam kung nasa'n kami. Basta't nang dumungaw ako sa bintana ng kotse, puro mga puno, bundok at palayan ang nakita ko. Madilim na pero may iilang poste naman ng ilaw sa paligid.
"Nasa'n na tayo?" tanong ko kay Josh na nakaupo sa front seat at busy pa rin sa phone niya. Diyos ko, gano'n ba talaga siya ka-workaholic? Alam ba niya kung ano ang ibig-sabihin ng office hours? Hindi marunong mag-chill ang lalaking 'to, kalurkey!
"We're in Allustrea now."
"Talaga?" Edeline was sleeping in my lap kaya hininaan ko lang ang boses ko.
"Yeah, we're just a few minutes away from the town proper."
"Anong oras na ba?"
"Hindi mo 'ko orasan."
"Ang sungit, nagtatanong lang naman." I tried to get my phone from my pocket and turned it on. "Mag-a-alas otso na pala."
"Pasensya na kung natagalan. We tried to find alternative routes pero ito na talaga ang pinakamabilis na daan na nahanap namin. Kung hindi lang under maintenace ang choper ko, iyon na sana ang ginamit natin."
"May choper ka?!"
"Lower your voice. Baka magising si Edeline."
"Sorry." Hininaan ko ulit ang boses ko. "Hindi lang ako makapaniwala na may choper ka."
"It's nothing special."
"Nothing special para sa'yo. Eh, ako nga, kotse lang na mumurahin, hinuhulugan ko pa hanggang ngayon. Tapos ikaw, may sariling choper? Bonggacious!"
"Kailangan," he replied nonchalantly. "Traffic in the Philippines is terrible and it's affecting businessmen like me. Ayokong ma-late sa mga meetings and appointments ko at ginagamit ko rin iyon para makauwi ako rito sa Allustrea from time to time."
"So, pabalik-balik ka lang pala dito sa Allustrea at sa Maynila?"
"Bakit ang dami mong tanong? Reporter ka ba?"
"Hindi, pero isa 'yan sa mga dreams ko noon. Syempre, unang-una pa rin sa listahan ang pagiging artista."
Para siyang nabilaukan. Aba, walang hiya 'tong lalaking 'to!
"OA ng reaction mo, ah. Maiinsulto na ba ako?" nakasimangot kong tanong.
"I didn't say anything."
"Oo nga, pero kitang-kita naman sa reaksyon mo."
"Pa'no mo nakita, eh nasa likod kita?"
"Basta."
"Just shut up at baka magising si Edeline dahil sa kadaldalan mo."
"Ikaw, kuya? Naniniwala ka bang pwede akong maging artista?" tanong ko sa nananahimik na driver.
"Ah, ano, sir..."
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...