35th Chapter

7.3K 417 84
                                    

XXXV:
Getting Back Together

***

BAS' POINT OF VIEW

THEY'RE not together. Walang namamagitan sa kanila ni Miracle. Ako lang pala ang nag-assume na nagkabalikan sila. Pero hindi naman ibig-sabihin n'on na single siya. Posibleng hindi sila ni Miracle, pero may iba naman sa buhay niya. Hay naku, ang sakit sa ulo. Ayoko munang mag-isip.

Mabuti na lang at dumating na kami sa ospital. Nasa private room na si Edeline at nagpapahinga raw. After getting her room number kaagad kaming umakyat ni Josh patungo sa fourth floor.

"Why are you biting your nails?" tanong niya habang nasa loob kami ng elevator.

"Mesherep, eh. Try mo."

"You want me to bite your nails?"

"Hindi. 'Wag kang assuming." Inirapan ko siya at ibinaba na ang mga kamay ko. "May sarili kang daliri. Ba't hindi 'yan ang kagatin mo?"

"Damot."

I couldn't believe we're having this kind of conversation. Parang hindi si Josh ang kausap ko. He was being too playful mula pa kanina sa loob ng kotse. What happened? Kanina lang sa restaurant, sobrang seryoso niya at ang tipid magsalita. 'Tapos ngayon, it felt like he was so game in a battle of wits. He really was a bipolar of the first order.

"I usually bite my nails 'pag nate-tense ako."

"We've been in a lot of tension-filled scenarios before. Ba't hindi ko naman yata napansin 'yan noon?"

"Marami na ngang nagbago, 'di ba? Bas Ramirez version 2.0 na ang kaharap mo."

Bumukas ang elevator kaya hindi na siya nakasagot pa. Sumunod na lang siya nang mabilis akong naglakad patungo sa room ni Edeline. Naabutan namin ro'n ang doctor na kausap si Kuya Rafael.

"Doc? Tito po ako ng pasyente," singit ko sa usapan nila. "Kumusta ang pamangkin ko? Okay lang po ba siya? May serious problem ba sa health condition niya? Kailangan na po ba namin siyang ipatingin sa ispesyalista? 'Doc, I am telling you, mababaliw ako 'pag may nangyaring masama sa pamangkin ko. She means the world to me. Kaya, please lang, gawin n'yo ang lahat ng makakaya n'yo to save her."

"Sir, sir, kalma lang po tayo. Stable naman ang condition ng pasyente. In fact, kaya nga nasa private room na siya at wala sa ICU o ER dahil wala naman tayong dapat ipag-alala masyado," sabi ng doctor na nakapagpaluwag naman ng dibdib ko.

"Hay, salamat naman. Eh, ba't ang taas ng lagnat niya? Dengue ba?"

"Bas, ano ba, pinapatay mo naman yata ang anak ko," ani Kuya Rafael na tatawa-tawa.

"Mabuti nang handa for worst case scenarios, kuya."

"Stress-related ang lagnat ng bata. I've heard from his father that she's stressing herself out sa pag-aaral kahit hindi naman siya pine-pressure. We just have to make sure na makakapagpahinga siya ng maayos para makabawi ang katawan niya. Please always remind her na mas importante pa ring magpahinga dahil hindi naman siya makakapag-function ng maayos without proper sleep. Maniningil talaga ang katawan natin. And she's too young para magpaka-stress ng masyado."

"Don't worry, 'doc. Kakausapin ko ang batang 'yan. Tsaka kung kailangan ko siyang palaklakin ng sangkaterbang vitamins, gagawin ko!"

"There's really no need for that. Just make sure that she has proper sleep and she eats nutritious foods."

Marami pa kaming pinag-usapan tungkol kay Edeline. Napansin ko na nakatayo lang sa tabi ng pintuan si Josh at tahimik na nakikinig. He was wearing a sheepish smile na para bang natutuwa siya sa mga sinasabi ko. Gago, hindi ako nagju-joke. Seryoso ako.

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon