37th Chapter

8.1K 394 95
                                    

XXXVII:

Secret Place

WARNING: SPG HAHAHA!

BAS' POINT OF VIEW

BABY step was no longer an option this time. Gusto naming pareho na ipaalam sa lahat ang tungkol sa relasyon namin. We didn't have to hide anything. We didn't get a shit about being judged by other people. Ang importante, tanggap kami ng mga taong mahahalaga sa amin.

"Sure ka na ba talaga? Totohanan na ba 'yan? Wala ng atrasan?" tanong ni Max kay Josh. He visited us in our office that evening and brought take-out dinner para sa amin. Since tapos na rin naman kami sa trabaho namin and we were too tired to go somewhere else, sa office na lang kami kumain.

"Yes, sigurado na ako," nakangiting sagot ni Josh at humawak sa kamay ko.

Sabay namang nagsigawan ang baliw kong mga kaibigan.

"Taray! Ang haba ng buhok mo, bakla! Gusto mo, kalbuhin kita?"

"Inggitera kang bakla ka. Palibhasa, wala kang lovelife."

"At least may sex life."

"Oo naman, hangga't may wampipti ka, may sex life ka," biro ko na ikinatawa naming lahat maliban kay Max na mukhang totoong kakalbuhin na talaga ako.

"Grabe ka sa'kin, ah. Ang harsh mo."

"Pero balik tayo kay Josh," ani Pattie sa seryosong tono. "Alam mo kasi, Josh, gusto lang naming makasiguro na totoo nga ang nararamdaman mo para sa kaibigan namin."

"What I feel for him is true. I really love him."

Nagsigawan na naman sila. But this time, tumayo sila, lumapit sa'kin at sabay akong sinabunutan. Napasigaw ako at natawa ng malakas sa kalokohan nila. Josh simply looked at us with a big smile on his face. Ngayong boyfriend ko na siya, kailangan na niyang masanay sa ka-gagahan namin ng mga kaibigan ko.

"Oo na, sige na. In love ka na sa kanya," ani Pattie nang makabalik silang pareho ni Max sa upuan nila. "Pero baka naman gusto mong magpa-check up sa mata? Alam mo na, baka may konting defect. Syempre, alam naming busy ka at palaging napupuyat. Ipatingin mo muna kaya ang mga mata mo kasi baka pumapalya na ng very light."

"Ano'ng gusto mong palabasin, Pattie? Na malabo ang mata ni Josh kaya siya nagkagusto sa'kin?" nakataas ang kilay kong tanong.

"Wala akong sinasabing ganya'n, bakla. 'Wag kang masyadong defensive d'yan."

"I can assure you, girls, my vision is perfectly fine," confident namang sagot ni Josh. Iningusan ko ang mga kaibigan ko at nag-flip ng imaginary hair ko.

"Drug test? Baka kasi lulong ka lang sa druga at nagha-hallucinate na mukhang dyosa itong si Bas," pabirong suggestion ni Max na kaagad kong sinamaan ng tingin. "Iba rin kasi ang epekto ng drugs, Josh, eh. Kaya we just wanna make sure na you're not under the influence of drugs. Kasi 'pag humupa ang epekto niyan, baka pagsisihan mo na jinowa mo si Bas."

"Mga gaga! Ang harsh n'yo sa'kin. Kaibigan ko ba talaga kayo?"

"Charot lang, bakla. Nakakainggit kasi kayo, eh! Sana kami rin. Nakakapagod na kasing maging taga-ayiiie at taga-sana oil sa lovelife ng mga tao sa paligid namin," emosyonal na sagot ni Max pero halata namang nagbibiro lang.

"Hoy, bakla, 'wag mo akong dinadamay sa pagka-inggitera mo. May lovelife ako," ani Pattie.

"Oo, may lovelife ka sa lechon at crispy pata."

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon