XXXII:
Leaving***
BAS' POINT OF VIEW
9 PM. Inaantok na ako but I needed to stay alert. Hindi naman ako pwedeng uminom ng kape dahil baka mas lalo lang akong nerbyusin. Any moment from now ay darating na sina Cade at Ice para isagawa ang plano namin. I was inside Edeline's room. Tulog na tulog na siya kanina pang alas otso at mula kanina ay wala akong ibang ginawa kundi pagmasdan siya.
Her life was about to change again. Masaya at excited ako na makikilala at makakasama na rin niya sa wakas ang ama niya. No matter how much I tried to raise her well and despite the fact that I gave her a good life, alam kong iba pa rin 'pag kasama niya ang ama niya. Kaya nga gagawin ko ang lahat para magkasama lang sila.
Alam kong complicated ang sitwayson ni Kuya Rafael ngayon dahil sa plano niyang paghihiganti sa mga Heraldez. Pero alam ko rin na makakatulog si Edeline sa kanya. Who knows, baka lumambot siya at mawala ang galit sa puso niya 'pag nakasama niya ang anak niya?
"Bas." Pumasok si Josh sa kwarto. He was wearing a black shirt at hoodie jacket. Sa hitsura niya, mukhang magsisimula na ang aksyon. Pumintig ng mabilis ang dibdib ko. I nodded kahit hindi pa siya nagsasalita.
Nilapitan ko si Edeline at marahang niyugyog upang gisingin.
"Edeline... baby, wake up," I gently called her.
Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil ilang saglit lang ay bumukas ang mga mata ng bata. Pupungas-pungas at naaalimpungatan pa.
"Tito Bas?"
"Edeline, wake up now."
"Umaga na po ba?" Iginala niya ang paningin at kumunot ang noo nang makita sa bintana na madilim pa sa labas. "Tito Bas, gabi pa po, ah. I want to sleep some more po."
"Remember when I said kanina na we're going somewhere?"
"Yes po."
"Ngayon na tayo aalis."
"Where are we going po ba? I still wanna sleep pa po kasi, eh."
"Edeline, we're going somewhere nice," Josh finally speak up. "So, get up and let's get going."
"Kasama po kayo, Tito Josh?"
"Yup."
Bigla siyang ngumiti ng maluwang at bumangon. Aba, ba't naging energetic siya nang malamang kasama si Josh? 'Tapos no'ng ako ang kumausap sa kanya, ang tamlay-tamlay na parang gusto pang i-drawing ang lakad namin? Masyadong biased ang batang 'to, ah. Nakalimutan yata kung sino ang nagpalaki sa kanya.
Magkasabay kaming tatlo na lumabas. Sinalubong naman kami ng napakaraming guards na nakabantay to make sure na hindi makakaalis ang pamangkin namin. Seriously, ang OA ng Abuelo nila. Daig pa ni Edeline ang mga members ng royal families sa dami ng guards niya.
"Sir Josh, sa'n n'yo po dadalhin si Miss Edeline?" tanong ng head ng mga guards na daig pa ang bato sa kawalan ng ekspresyon ng mukha. He looked scary and intimidating. Too bad, Josh could look more intimidating than him kung gugustuhin niya.
"Hindi makatulog ang bata. We're taking her out for some late dinner."
"I apologize but I don't think that's possible, sir. Mahigpit ang bilin ang Abuelo n'yo na hindi muna pwedeng lumabas ng mansyon si Edeline."
"Preso ba ang pamangkin ko dito? Hindi na siya nakakalabas dito, ah. Halos hindi na nga nakikita ng bata ang outside world. Kung gaganituhin n'yo lang pala siya, sana pinapasok ko na lang ang bata sa PBB House. Sumikat pa sana siya," hindi ko na napigilang sumingit dahil sa iritasyon ko.

BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomantizmALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...