XXII:
Elevator Confession
***
BAS' POINT OF VIEW
NAPANSIN ko ang unti-unting pagbabalik ng sigla ni Josh. Siguro natauhan na rin siya at na-realize niyang tama ako. I should be happy, but I couldn't. Hindi naman kasi ako ang dahilan ng sigla niya kundi si Miracle. They've been spending a lot of time together for the past week. For business lang daw iyon since major shareholder ang parents ni Miracle sa Heraldez Construction at ngayong nasa Pilipinas na raw si Miracle, she wanted to help her family with their business and investments raw.
Pero ako pa ba ang e-echosin niya? Mas malinaw pa sa sikat ng araw na puma-paraan lang naman siya para magka-moment sila ni Josh. I knew too well kasi iyon rin naman ang ginawa ko noon.
"Bakit parang ang lalim ng iniisip ng secretary ni kuya?" Nagulat na lang ako na nakatayo na pala sa harap ko si Ice habang nakapangalumbaba ako sa desk.
"Ice, nand'yan ka pala."
"Kanina pa, hindi mo lang napapansin. Busy ka kasi kakatunganga."
Inirapan ko siya.
"Ano ba'ng ginagawa mo dito? Hindi ba busy dapat ang mga artista?"
"Free ang schedule ko today. I was wondering if I can see Kuya Josh. May pag-uusapan lang kami."
"Hindi mo ba siya tinawagan?"
"Ayaw sumagot, eh."
I rolled my eyes. Syempre, hindi sasagot 'yon. Busy, eh. Busy sa babae niya.
"Sana tumawag ka na lang muna dito sa office to check if he's here. Kasi wala dito ang kuya mo. Nasayang tuloy ang oras mo."
"Really? Where is he?"
"May binibisitang construction site," nakasimangot kong sangot.
"Ba't hindi ka kasama?"
"Hindi kailangan ang mala-dyosa kong presence do'n." Kinalikot ko ang computer ko and acted as if I was busy.
"Eh, sino'ng kasama niya?"
"Si Miracle."
"Si Miracle? Why should she be there?"
"Aba, 'ewan ko. Baka trip niyang magpaka-assistant. Hindi ko rin ma-gets ang babaeng 'yon. Ang ganda-ganda pero buntot ng bunto sa kuya mo. Talo pa ang aso."
Hindi ko namalayang nagra-rant na pala ako. Shit, gano'n ba talaga ako ka-affected sa nangyayari? Iyon ang unang beses na isinatinig ko ang nararamdaman ko. Wala rin naman kasi akong pwedeng pagsabihan ng mga pinagdadaanan ko. Alangan namang kay Edeline ako mag-share, 'di ba? Sa laki ng bunganga ng batang 'yon, baka i-buking pa ako kay Josh.
"Ba't parang nagseselos ka?" Ice gave me a teasing smile.
"Ako? Nagseselos?" Tinuro ko ang sarili ko. "Never, never!" pakanta kong sagot.
"Weh?"
"Hindi nga. Tsaka, bakit naman ako magseselos? Secretary lang naman ako. Kung mas gusto ni Josh na makasama si Miracle sa construction site, eh 'di magsama sila. May sweldo pa rin naman ako kahit ano'ng mangyari. Kaya I don't care kahit tumulong pa sila sa pagsesemento at paglalagay ng hollow blocks do'n."
"Yeah, hindi ka nga nagseselos," he said in a mocking tone.
"Talaga lang. Hindi ako nagseselos at never akong magseselos. Ang mga dyosang kagaya ko ay secured sa kagandahan nila."
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...