BAS' POINT OF VIEWNAKAKAINIS.
Ano ba ang problema ng iba d'yan? Alam na ngang may jowa na si Josh, ayaw pa ring tumigil sa kakalandi. And why did they have to be so pretty? Syempre, mas maganda pa rin ako, but you know what I mean. Hindi madaling makipaglaban sa insecurities mo.
Sana kasi hindi na lang ako sumama sa company party nina Josh. He said that he wanted to show me in public. He wanted to flaunt me in front of the people. I was happy because I felt like he was really proud of me. He didn't mind being judged by others by choosing a gay like me as his romantic partner.
Gandang-ganda na sana ako sa sarili ko. Ang haba na sana ng hair ko. Pero na-bwisit naman ako sa mga babaeng lapit ng lapit kay Josh. Kung makahawak at makahaplos, wagas!!!
"Kalma lang, Bas. Kalma ka lang. Alam kong gustung-gusto mo ng kalbuhin ang mga makakating bitchesa na 'yon. Pero may pinag-aralan ka. May class ka. Isa pa, ikaw ang mahal ng nag-iisang Josh Heraldez at hind sila," sabi ko repleksyon ko sa salamin. Nasa loob ako ng banyo upang kalmahin ang sarili. "Eh ano ngayon kung may pekpek sila? Ano ngayon kung may clevage ang mga gagang 'yon? Kung kagandahan ang pag-uusapan, lamang ka sa kanila ng sampung paligo."
I went out of the comfort room feeling more confident. Iyon ang palagi kong ginagawa everytime my insecurity tries to swallow me whole. Since naging kami ni Josh, napapadalas ang pagsumpong ng insecurity ko. It was hard not to feel any insecurity kung napaka-perfect ng jowa mo. Having a boyfriend like him was both a blessing and a curse.
"Hey," Josh placed his hand on my hip and kissed my cheek. Si Josh talaga, parang sira. 'Yung rosy cheeks ko, mas naging rosy tuloy. In fact, feeling ko namumula na ako na parang kamatis. The people who saw what he did gave us curious glances but we both didn't care. Bahala silang mag-chismisan. Mamatay sila kaka-sana all sa relasyon namin. "Sa'n ka galing?"
"Sa CR. 'Di ba nagpaalam naman ako sa'yo kanina?" Nakakainis. Palibhasa, busy siya makipag-chikahan sa mga malalanding babae kanina. He didn't even hear me when I said na magbabanyo muna ako.
"Ah, yes. Naalala ko na. Sorry, I was so preoccupied kanina."
"Halata nga." I rolled my eyes.
"Hey, are you upset?"
"Hindi, ah. Ang ganda-ganda nga ng mood, eh. Parang gusto ko pa ngang sumayaw. Pwede ba akong mag-intermission number?"
"I'm really sorry." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang ko at mas pinalapit ako sa kanya. "Please don't be upset. Ayokong mawala ka sa mood."
"Hoy Josh, 'wag na 'wag mo akong ngingitian. That's cheating."
"Huh?" patay-malisya niyang tanong.
"You know your smile is my weakness. Don't use it against me when I'm mad. That's a form of cheating."
"Wait, my smile is your weakness? I thought it's my abs?"
"Well, syempre, number one pa rin ang abs mo. Pinaka-pinaka-weakness ko 'yan."
"Did you just admit that you're mad?"
Shit. Nahuli na naman niya ako. Ang galing talaga ng gagong 'to. Ba't kaya hindi na lang siya nag-abugado o kaya imbestigador? Ang galing mag-extract ng information, eh.
"Don't mess with me right now, Josh. I'm in a murderous mode."
"May I ask why?"
"Sa bahay na natin pag-usapan."
![](https://img.wattpad.com/cover/187424988-288-k778567.jpg)
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...