XV:
Confessions of a CEO
***
BAS' POINT OF VIEW
AWKWARD. Family Day sa school nina Edeline and since wala na siyang mga magulang na makakasama sa kanya, kaming dalawa ni Josh ang gusto niyang pumunta. Wala namang problema sa'kin 'yon since ako naman ang um-attend sa Family Day niya noon ng mag-isa. But this time, she wanted Josh to also be there.
"Pagpasensyahan mo na ang kakulitan ng batang 'yon, ah. Hayaan mo, kakausapin ko siya," sabi ko nang lumabas kami sa kwarto ni Edeline ng gabing iyon. It was one of the rare moments na sinamahan niya akong patulugin ito.
"No, it's okay."
"Alam ko namang busy ka and it's really not your thing. Pwede namang ako na lang ang pumunta do'n. Nagawa ko na 'yon dati."
"Really?" He gave me an amused smile.
"Oo. Para sa'n pa'ng naging bakla ako kung hindi ko kayang maging nanay at tatay at the same time, 'di ba?" biro ko.
"You really did a lot of things for her."
"And I'm willing to do a lot more for her. Mahal na mahal ko 'yon, eh."
Tahimik kaming naglakad sa tahimik na mansyon. Ang akala ko ay didiretso na kami sa kanya-kanya naming kwarto. But he went downstairs at sumunod naman ako. Maybe he wanted to breath some fresh air at makipagkwentuhan muna bago matulog.
"Your love for her is admirable. Tinuring mo na talaga siyang parang tunay mong anak."
"Oo naman. Lagot ako sa Ate ko 'pag hindi ko inalagaan ang anak niya. Mumultuhin ako n'on."
He laughed softly.
"You've been through a lot of difficult things. Pa'no mo nagagawang daanin sa biro ang lahat ng 'yon?"
"Kung sineryoso ko siguro lahat ng pinagdaanan ko, nasa mental institution na ako ngayon. Kaya dinadaan ko na lang sa biro para hindi ako masyadong ma-stress. Nakakasira ng beauty 'yon."
Napansin kong na nasa garden na pala kami. Naupo kami sa isang bench doon but I made sure to keep a safe distance from him. Mga two inches, charot! Mahirap na baka madala ako sa tukso at bigla ko na lang siyang sunggaban.
We looked up the starry sky and remained silent for the next few minutes. We simply enjoyed the silence and each other's company. Ramdam na ramdam ko ang presence niya sa tabi ko hanggang sa naramdaman kong umusog siya palapit sa'kin. His hand slowly reached mine which made me feel giddy. Ayokong magpahalata pero hindi ko yata pwedeng deadma-hin ang pagtatambol ng puso ko. Sana lang hindi niya naririnig ang heartbeat ko.
He gently filled the spaces between my fingers while his eyes were still on the sky. He didn't say anything. He just held my hand and made me go crazy. Gustung-gusto ko ng sumigaw pero hindi ko magawa kasi nakakahiya. I was just thankful that the place was dark so he couldn't see me blush.
"Bas?"
"Y-yes?" Hindi ko siya nilingon. Naka-glue ang mga mata ko sa mga bituin. I was silently hoping to see a falling star so I could wish for this moment to freeze. I'd love to stay in this moment for a little longer.
"You don't have to talk to Edeline. Pupunta ako sa Family Day this weekend."
"Talaga?"
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...