34th Chapter

6.8K 367 116
                                    

XXXIV:
Not Together

***

BAS' POINT OF VIEW

BAKIT hindi naman yata ako na-inform na silang dalawa ang magiging kliyente ko? Ibang tao naman kasi ang nakipag-coordinate at nakipag-set ng appointment sa akin. If I knew that I would be meeting the two of them today, sana nakapaghanda ako. Nakapag-long gown man lang sana ako para pasabog ang reunion namin.

Hindi ko napigilan ang sarili kong manginig nang mahawakan ko ang kamay ni Josh. Goodness, it was so firm and strong. Lalaking-lalaki, bruskung-brusko. Napalunok ako sa sarili kong laway dahil sa naramdaman kong sensasyon sa simpleng paghahawak lang ng mga kamay namin. I almost forgot kung ga'no ka-OA ang reactions ng katawan ko pagdating sa kanya.

"Uh... 'yong kamay ko..."

Pocha, hindi ko na pala binitiwan ang kamay niya. Masyado yata akong nag-enjoy sa paghawak. Nakaka-miss kasi siyang ka-holding hands.

"S-sorry." Kaagad naman akong bumitiw at ngumiti ng matamis sa kanila. "Let's have a seat."

Naupo sila sa kabilang side ng table. Shit, ang hirap huminga. Ilang inches lang ang pagitan namin ni Josh. We were in the same room... we were breathing the same air. It felt suffocating in a good kind of way, if that's possible. Kumakabog ang dibdib ko na parang gusto na yatang lumabas mula sa katawan ko.

Dumating ang waiter at ibinigay sa amin ang menu. Pero ang atensyon ko ay wala sa mga nakasulat na putahe kundi nasa kanilang dalawa ni Miracle. May kanya-kanya naman silang menu pero bakit kailangan pa nilang mag-share? Nagkakadikit pa ang mga daliri nila sa tuwing may itinuturo silang pagkain sa menu. Hindi ko na naman tuloy maiwasang makaramdam ng selos kahit wala akong karapatan.

Nagngingitngit ako. I didn't notice na napapahigpit na pala ang hawak ko sa menu at kulang na lang ay sirain ko iyon.

"Bas, what's your order?" nakangiting tanong ni Miracle. Apparently, nakapag-order na pala sila at ako na lang ang hinihintay. Aya'n kasi, masyado akong busy kakatitig sa kanila.

"Ah, ano... dinuguan."

"I'm sorry, sir, pero wala po kaming dinuguan."

"Wala? Bakit wala?" Tumingin ulit ako sa menu at nagkunwaring nakatutok ang atensyon ko doon. But the truth was, hindi naman na talaga gumagana ang utak ko ng mga oras na iyon. "I'll have the same order na lang sa kanila." Nginitian ko ng matamis ang waiter.

"Okay po, sir."

While waiting for our order, nagkwentuhan muna kami. Miracle kept the conversation going. Ang daldal ng gaga. Josh remained silent, parang nago-observe lang.

"So, yeah, gusto naming maging bongga ang opening ng resort namin. We've heard na forte mo ang mga bonggang events kaya naisip namin na ikaw ang kunin for this."

Magbubukas pala sila ng beach resort together with some of their friends. Silang dalawa ang major shareholders kaya sila mismo ang abala sa opening. They wanted to be involved with the preparations raw kaya sila ang nakipag-meet sa akin.

"I didn't expect na kayo pala ang magiging clients namin," I casually said, eyes on my laptop.

"Yes, 'yong isang kaibigan kasi namin ang nakipag-coordinate sa'yo. He's also one of our business partners. He was supposed to meet you today, pero nakapag-decide kami ni Josh na kami mismo ang magbigay sa'yo ng instructions. We want everything to be perfect kasi."

They glanced at each other and shared a smile. Jusko, parang gusto kong magpa-ulan ng dugo. Ano'ng karapatan nilang maging sweet sa harap ko? Ano, nagkabalikan na ba sila? No'ng umalis ba ako, na-realize ba agad ni Josh na si Miracle pa rin pala ang mas bet niya? Eh ano'ng ibig-sabihin ng halikan namin bago kami naghiwalay? Ano, ganu'n-gano'n na lang niya ako kadaling nakalimutan?

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon