36th Chapter

7.5K 365 67
                                    

XXXVI:

J Stands For Jealousy

***

BAS' POINT OF VIEW

HIS lips tasted like heaven. Nirvana. Grabe, I've dreamed about this moment for the past five years. Ilang beses kong in-imagine na naghahalikan kami at para bang hindi kami naghiwalay. Pero ngayon, hindi na lang 'to basta panaginip. It was finally happening... for real. He was kissing me breathless again. He was making me feel all kinds of emotions, igniting the fire inside me which made me respond to his kisses fiercely.

"I've missed you," he muttered in between kisses.

"Ako rin. Na-miss kita." Then I continued kissing him. Parang ayokong tumigil at ayokong matapos iyon. It felt too good. Ngayon lang ako naging gano'n kasaya ulit.

"I can't lose you again, Bas." His lips travalled down to my neck. Para akong kinikiliti sa ginagawa niya. I bit my lips at napaliyad sa sensasyong nararamdaman ko. "We're not going to lose each other again. Got that?"

"Never...again," I responded, finding it hard to speak because the movements of his mouth was too distracting.

Ipinaikot ko ang mga braso sa balikat niya at mas idiniin pa ang ulo niya sa leeg ko. He kissed my neck, bit it and then suckled it. Napaungol ako sa kakaibang sarap na idinulot ng ginawa niya sa'kin. I almost forgot how erotic he could be when it comes to making out. He was a master in that field. He could probably do anything to make me feel good. He could bring heaven on earth by simply using his mouth...and of course, his cock.

Shit! Ang landi ko! Hayaan n'yo, limang taon rin naman akong tigang.

Alam kong malayu-layo ang aabutin ng halikan namin kung hindi lang nag-ring ang putang ina kong cellphone. We both tried to ignore it, not once but twice, pero matigas ang ulo ng caller. "I guess you should take that call," frustrated na sabi ni Josh at tumigil sa ginagawa. Umayos siya ng upo at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Inayos rin niya ang pagkakabutones ng polo shirt niya. Pocha, ang hot ng jowa ko!

"O-okay," sagot ko, sa tunog na nabibitin. Syempre naman, sino ang hindi mabibitin sa gano'ng klaseng halikan? But I had no choice but to answer the call. "Hello, Pattie? Siguraduhin mong importante ang kailangan mo, or else, puputulan kita ng leeg."

Nakita ko ang pagngisi ni Josh. Pero sa kabila ng ngising iyon ay nakita ko ang pagnanasa sa mga mata niya. Good, mukhang hindi lang ako ang nabitin. Don't worry, Josh, we'll get back to business in no time.

"Importante talaga 'to."

"Oh, eh, ano nga?"

"We did everything to convince Dry Leaves pero hindi raw talaga pwede sabi ng manager nila. Punung-puno na raw ang schedule nila at kailangan rin naman daw magpahinga ng banda para hindi ma-overuse ang boses at energy nila."

"Dry Leaves? Ano 'yan?"

"Potek ka! Dry Leaves, 'yan lang naman ang banda na kailangan nating mapa-oo para sa biggest client natin ngayon. Ano ba, nasa'n ba ang utak mo ngayon?"

"Ah, yeah, yeah. Naaalala ko na. Sorry." I was so disoriented. Ikaw ba naman ang ma-istorbo sa pakikipag-make out, tingnan ko lang kung makapag-focus ka. "Lumuhod na ba kayo? Umiyak na ba kayo ng dugo?"

"Seryoso ka talaga do'n, bakla?"

"Sige, ganito, magtirik na lang kayo ng kandila sa lahat ng simbahan na alam n'yo. Ipagdasal n'yo na magkaro'n ng milagro."

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon